[Ika labing walong Kabanata]
Ryo's P.O.V
Nasa mall ako, bibili kasi ako nang ireregalo kay Lainna dahil 18th birthday na nya ngayon at mamayang gabi ang celebration nya. Pero biglang nag ring ang phone ko at pagtingin ko ay si Mayesha lang pala.
"Hello?" Agad kong sinagot ang tawag nya dahil kilala ko sya, kapag hindi sinasagot ang tawag nya ay mangungulit ito lagi.
"R-Ryo..." Nanginginig nitong sabi.
"What's wrong?"
"Can you pick up me here?" Tanong nito na ikinakunot nang nuo ko. Bakit ako pa ang tinawagan neto?
"I'm sorry..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla syang napahagulhol.
"Please Ryo, Isinugod sa Hospital si Daddy ngayon ngayon lang, inatake daw sya sa puso, please Ryo please, I'm begging you" hindi na ako nakapalag pa, tsaka kona lang naalala na hindi pa pala ako nakakabili nang ireregalo sa kanya.
Pagdating ko sa Condo nya ay agad syang yumakap sa akin, pinakiusapan nya ako na ipag drive ko sya Hanggang Quezon City, pumayag naman ako pero ang sabi ko ay uuwi din ako at pumayag din sya.
Pag dating namin sa Quezon City ay dumeretso na agad kami sa Hospital, nag hagdan lang kami dahil sa punong puno na ang elevetor. Uuwi na sana ako pero pinigilan ako nang mommy ni Mayesha at wala akong nagawa.
Naikuyom kona lang ang mga kamao ko sa sobrang inis at galit ko sa sarili ko, tinawagan ko si Rogue na kung pwede ay pakibigay na lang kay Lainna yung singsing na binili ko para sana iyon sa pag-aalok ko sa kanya ng kasal.
Sana naman ay tanggapin nya ang regalo ko kahit wala ako sa pinaka special na araw para sa kanya. Gusto ko sanang regaluhan muna sya nang Set of Diamonds pero wala bulalyaso.
Ang singsing naman na ibibigay ko sana sa kanya kapag inalok kona sya nang kasal ay hindi naman gaano ka Mahal, 3 billion lang naman iyon, alam ko namang konti pa iyon para ipakita ang pagmamahal ko sa kanya eh pero hindi naman kasi sya mahilig sa mga mamahaling bagay dahil simpleng babae lang sya at iyon ang isa sa dahilan kung bakit gustong gusto ko Sya.
Buong gabi ay wala akong tulog, nakatulala at nakaupo lamang ako sa sofa nang hotel na tinuluyan ko, gustong gusto kong tawagan si Lainna pero nahihiya ako at natatakot ako na baka sabihin pa nya sa akin na okay lang kahit hindi ako pumunta kasi hindi naman na ako mahalaga sa kanya.
Napatingin ako sa Cellphone ko nang mag ring ito, si Rogue, tumatawag si Rogue!
"Hello Rogue, Ano tinanggap ba nya ang regalo ko? Did she likes it?" Sunod sunod kong tanong pero isang buntong hininga na lamang ang narinig ko.
"What's wrong Rogue? Hindi nya ba nagustuhan? Sinasabi kona nga ba eh! Sana kasi yung simple lang ang binili ko" dismayado kong sabi, nasaktan ako pero alam ko naman na wala akong karapatang sumbatan sya kasi wala namang kami, ako lang Naman itong naga-aasume.
"Listen Ryo, as your friend not your assistant, you should give up on her" nangunot ang nuo ko, gusto ko syang sapakin at murahin.
Sino ba Sya sa tingin nya? Sino sya para sabihin sa akin na isuko kona lang ang nararamdaman ko para sa kanya? Wala syang karapatang sabihin na isuko kona ang nararamdaman ko dahil kahit sya ay hindi pa naman nagkaka girlfriend.
"I tried to gave it to her pero hindi nya kinuha, sinabi ko din na galing sayo iyon"
"Bakit daw?" Ilang segundo ding hindi umimik si Rogue kaya nakakaramdam ako nang tense.
"Hindi nya tinapos ang 18 roses dance" panimula nito. Napahilot ako sa sentido ko sa sinabi nyang iyon. Bakit hindi nya tinapos?
"Ako ang huling sumayaw sa kanya, Keil told me na parang may hinihintay sya kanina pa and when he asked if it was you she answered that it wasn't, she smiled bitterly daw" bumuntong hininga na lang Sya.
YOU ARE READING
Destined To Be Mine (Ongoing)
RomanceTahimik at mapayapa ang pag-aaral at pamumuhay nang High School Student na si Lainna Hanabi, mabait, palangiti at higit sa lahat ay maalalahanin. Ngunit nagbago ang takbo nang kanyang pamumuhay nang makilala nya ang kapatid nang kaybigan nito. Si Ry...