[Ika Dalawampu't tatlong Kabanata]
Ryo's P.O.V
Nakatanaw lamang ako ngayon sa labas nang bintana, lakas nang ulan lamang ang aking nakikita at ang Bermuda grass pati ang mga maliit na kahoy na hindi ko alam kung ano ang tawag duon.
Walang signal ang cellphone ko, kanina ko pa sinusubukang tawagan si Mayesha pero hindi talaga, ayaw kumuha. Nag-aalala ako sa kanya dahil nabasa ko ang text message nito sa akin.
Magdidilim na din at hindi ko pa sya nako contact, buti pa itong si Lainna dahil may signal ang cellphone nito. Hindi naman ako pwedeng manghiram sa kanya dahil sigurado akong magagalit at magtatampo sa akin si Mayesha.
Nakahiga ngayon si Rina, hindi pa sya nagigising, siguro ay napagod ito kakalaro kanina. Nag order na lang kami sa hotel nang makakain naming pang dinner.
Si Lainna naman ay nakaupo lang sa sala at kinakalikot ang cellphone nito, mukhang may pinaplano o ginagawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya matitigan nang matagal dahil iba ang pakiramdam ko.
Nakakaramdam ako nang init kaya dinidistanya ko ang sarili ko sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi naman maitatangging maganda sya, ang katawan nito at ang mamula mula nitong labi at pisngi na natural lamang.
Hindi ko sya nakitang nagmake-up o kahit magpakapal ng eyebrow. Tanging lipgloss lamang ang suot nito sa mga labi nito na syang mas lalong nagpapalambot nito.
Bakit ko alam? Dahil nakita kong nag lipgloss ito at nagpulbo ng tender care, napaka simple nya lang at hindi ko alam kung bakit ako natu-turn on sa kanya.
Sa tuwing tinititigan ko sya nang matagal ay bumibilis ang tibok nang puso ko na parang gusto nitong solohin at angkinin ang babaeng iyon.
Sa loob nang ilang araw naming magkakasama ay hindi man lang nya tinangkang kausapin ako o magpapansin sa akin, hindi gaya ni Mayesha o nang ibang babae na gusto lagi yung atensyon ko pero sya hindi.
Siguro ay dahil may boyfriend na ito, may kagandahang lalaki din naman kasi ang boyfriend nito, pero nakakapagtaka, kung boyfriend nito ang lalaking iyon, hindi hahayaan nang lalaking iyon na mapalapit si Lainna sa akin gaya nang pagtutol ni Mayesha.
Siguro ay malaki lamang ang tiwala nito sa kanya dahil sa tingin ko ay matinong babae naman itong si Lainna.
Huminga ako nang malalim at nilanghap ko ang sariwang hangin, dahan dahan akong lumapit kay Lainna, gusto kong makita kung ano ang kinakalikot nito sa cellphone nito.
Nakita kong tumitingin ito sa pictures na nasa album nito. Nasa likod nya lang ako nang hindi nya nalalaman. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti nang makita ko ang mga litrato nito kasama ang maraming mga bata.
Mga batang may sakit, sa tingin ko ay charity ito o di kaya naman ay sa isang center kung Saan karamihan sa mga batang may sakit ay duon pinapapunta at pinapatira.
Kung tama ang pagkaka alala ko ay sinabi ni Mayesha na this girl is so mean, a whore, a bitch but, based on my observation all the things that Mayesha said to me was opposite of her attitude.
She's too understandable so, she's not mean, she's a badass lady with a pure and kind heart. Lagi kong napapansin ang kabutihang loob nito lalo na nung nilbre at pinakain nya ang mga Bata na nasa kalye nung isang araw.
Binigyan nya nang sapat na pera yung mga matatandang nanghihingi at nanlilimos sa kalsada, binigay pa nito ang cellphone number nya duon sa tatlong matatanda dahil kung gusto daw ba nung mga matatanda na umalis sa kalye at matutulungan sya nito.
YOU ARE READING
Destined To Be Mine (Ongoing)
RomanceTahimik at mapayapa ang pag-aaral at pamumuhay nang High School Student na si Lainna Hanabi, mabait, palangiti at higit sa lahat ay maalalahanin. Ngunit nagbago ang takbo nang kanyang pamumuhay nang makilala nya ang kapatid nang kaybigan nito. Si Ry...