CHAPTER 22

40 4 0
                                    

[Ika Dalawampu't dalawang Kabanata]

Lainna's P.O.V

Nakapag Enroll na ako nang Architecture sa isang university sa Japan, hindi naman ako nahirapan mag adjust dahil marunong naman ako nang salita nila.

"Lainna-san, Doko ni iko no?" [Translation in English: Lainna, where are you going] Tanong ni Mitsuha nang makalabas na kami nang gate.

Sya si Uruhara Mitsuha, pure Japanese sya at pangarap nyang makapunta nang Pinas balang araw. Sya lang din ang kaisa-isa kong kaybigan sa school. Well maganda naman ang mga manners ng Japanese kaya lang ayoko kasi nang maraming circle of friends eh.

Masaya din sa bagong school ko kasi kahit Weeb o Otaku ka ay wala silang pakialam, unlike sa Pinas na parang weird ang tingin nila sa mga taong mahihilig sa Anime, sinasabi pa nga nila na Cartoon daw.

"Watashi wa ie ni iku yo" [Translation in English: I'm going home] sagot ko. Wala naman kasi akong pupuntahan eh.

"Ā! Sayonara, Mataashita" [Translation in English: Ah! Goodbye, See you tomorrow].

"Mata ne" [Translation in English: See you" linalakad ko lang ang apartment ko hanggang school. Nag decide kasi ako na gusto ko munang mapag-isa, gusto kong maging indipendent kahit na pera din naman nila ang ginagamit ko.

Pagdating ko sa Apartment ko ay agad kong kinuha ang phone ko, magpe-Facebook sana ako pero naalala ko na nag deactivate pala ako nang account dahil gusto ko munang maging lowkey person.

Nagluto na lang ako nang hapunan ko, at gaya nang araw araw ko nang routine ay nanuod ako nang anime at nireview ko ang pinag-aralan namin kanina. Nagpa practice din akong mag drawing nang mga building at bahay.

Sana naman ay hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito, sana hindi ko pagsisihan ang pinili kong kurso. Nagpalit na rin pala ako nang sim card dahil hindi naman available dito sa Japan ang mga sim card sa Pinas.

Tanging number lang nina Mama at Papa ang naka phone book sa phone ko, wala naman na akong balak na dagdagan pa ang number sa phone ko.

Halos gabi gabi ay napapanaginipan ko si Ryo, hindi ko alam kung bakit, halos hating gabi na nga ako nakakatulog dahil ayokong matulog kasi nakakatakot na ang mukha nya.

Bangungot ito para sa akin, ang lalaking iyon ay isang napakalaking bangungot sa akin. Baka nga pagbalik ko nang Pinas eh may mga anak na ito, silang dalawa nang babaeng iyon, si Mayesha.

Baka nga sa pagbalik ko ay lahat sila may mga asawa at anak na like Rio, Steven, Keil at Rogue. Yung kay Ryo? Sigurado akong magpapakasal na sila ni Mayesha, bagay naman sila, isang lalaking pogi na womanizer at isang magandang babae na sa tingin ko ay maldita.

Nalulungkot ako kasi hindi rin ako nakapag paalam kay Rina, kamusta na kaya sya? Nakakain na kaya sya? Tulog na ba sya? Inaalagaan kaya sya ni Ryo nang maayos?

Alam ko namang nasabi na ni Rogue yung mga pinapasabi ko at mga ipinabibigay ko, binigyan ko nang Sulat si Rio pati na rin si Ryo.

Huminga ako nang malalim, maaga pa ang pasok ko bukas kaya kailangan kong matulog nang maaga, kahit ayaw nang mga mata ko ay pinilit ko itong ipikit, para makatulog na.

Muli ay napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, gaya nang ibang panaginip ko ay nandun parin si Ryo. I was chasing him in my dreams pero hindi nya man lang ako tinatapunan nang tingin.

I hate those dreams or should I say nightmares, bakit ko naman hahabulin si Ryo? Muli ay ipinikit ko ang mga mata ko dahil kailangan ko talagang matulog nang maaga dahil maaga din ang klase namin.

Destined To Be Mine (Ongoing)Where stories live. Discover now