CHAPTER 21

39 5 0
                                    

[Ika Dalawampu't isang Kabanata]

Rio's P.O.V

Hindi ako mapakali ngayon sa kinauupuan ko dahil hindi pa dumarating si Keil, sinabi nya kasing sya ang tatayong sponsor ko ngayong graduation namin, wala na talaga akong ibang malapitan kasi hindi o naman gaanong ka close ang mga kamag-anak namin.

"Nasaan kana ba kasi" inis kong sabi. May pasabi sabi ka pang I'll be there tomorrow pero wala ka naman dito, baka yung mga basura na lang ang abutan mong hinayupak ka! Kapag hindi ka dumating dito ngayon, huwag na huwag kang magpapakita sa akin!

"Are you okay Rio?" Tanong ni Steven, ngumiti naman ako nang pilit sa kanya, sya ang Salutatorian at ako naman eh ang pumangatlo, si Lainna kasi ang Valedictorian this school year kaya lang wala sya, ang adviser namin ang nagbigay nang speech habang si Steven naman ang Opening Remarks.

Ako naman ang sa Pledge of Loyalty, loyalty, loyalty pa eh wala naman ding mga loyal ngayon eh! Si kuya nga na mahal na mahal si Lainna eh nakalimutan nya ito ako pa kaya na wala pang jowa!

"Malapit na ang Awarding, wala pa ba ang sponsor mo?" Dagdag na tanong ni Steven. Isa pa ito! Kanina pa tanong nang tanong, sinabi din nya kanina na tulad ni Lainna ay sa Japan din daw sya pag-aaralin nang mga magulang nya. Napapayag na din daw nya ang mga magulang nya sa gusto nyang kunin na kurso.

"Kapag hindi sya dumating, ako na lang sasabit nang medals na makukuha mo" nakangiti nitong sabi. Habang tumatagal ay pagwapo nang pagwapo ang lalaking ito.

Ang dating mahabang buhok nya ay pinaputulan na nya, pero nagsusuot parin sya nang salamin dahil may diperensya ang mata nya, hindi naman pala sya nerd gaya nang iniisip nang iba.

Isang araw nga nakita namin sya ni Lainna sa isang Gym, magji-gym kasi that time si Lainna dahil need daw nyang magbawas nang timbang kasi baka pagalitan daw sya nang Papa nya kapag naging mukhang baboy na sya sa sobrang taba.

Naka shorts lang nung hanggang tuhod si Steven. Wala syang damit habang itinataas nya ang hawak nyang barbel. Ang laki din nang katawan nito sa edad na 19 eh ang maskulado na nya.

Ultimo na napanganga kami ni Lainna at nagkatinginan pa kami, nalalaglag pa nga ang pawis nya sa buo nyang katawan, nang mga panahon na iyon ay mahaba pa ang buhok nito at may suot suot pa ding salamin.

"Tumigil kana nga Steven, makinig na lang tayo kay Ma'am Principal, Honors pa naman tayo tapos tayo pa ang magti-tsismis imbes na makinig sa mga payo nya" bulong ko sa kanya at natawa naman ito sa sinabi ko. Sinasabi ko sayo Steven! Huwag kang ngingiti sa akin at baka you know na.

"Concerned lang ako" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Tumigil kana nga! Baka mamaya nyan eh ma fall pa ako sa pa concerned concerned mona yan, sigurado naman akong hindi mo ako sasaluhin dahil may hinihintay ka nang mahulog at ready ka nang saluhin sya" pagbibiro ko sa kanya.

"Kaso wala sya dito" balik nitong bulong sa akin.

"Kasi nga nasa Japan, alam mo hindi ko alam kung anong nakita nyo ni Kuya sa kaybigan ko at pareho kayong patay na Patay sa kanya pero ito ang tatandaan mo, Si Lainna at Kuya ang ship ko at hindi na magbabago pa iyon" nagkibit balikat lang sya sa sinabi kong iyon. Aba! Ang sarap mo namang sakalin.

Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin si Keil, tinatawag na rin ang mga honor students, nawalan na ako nang pag-asa pa. Baka siguro may mahalagang lakad. Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Ganun na lang ba iyon? Sana pala eh hindi kona sya niyayang maging sponsor ko dahil aasa naman pala ako sa wala.

Destined To Be Mine (Ongoing)Where stories live. Discover now