[Ika Dalawampu't anim na Kabanata]
Ryo's P.O.V
Nahihilo ako, pakiramdam ko ay gusto kong masuka, nag-inuman kasi kami ni Mayesha kagabi sa Apartment ko kaya ako nahihilo. Hindi ko namalayan na sa may hagdanan na ako, akala ko ay mahuhulog na ako pero sa kabutihang palad ay may isang taong humila sa akin.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Hindi kona lang ito pinansin dahil nahihilo na talaga ako. Napahawak ako sa ulo ko nang may isang boses ang paulit ulit na bumubulong sa tenga ko.
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos ka lang ba?"
Parang may isang pigura nang babae akong nakikita pero hindi malinaw sa akin ang mga nangyayari.
"Hoy Lalaki!" Sigaw pa nito pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Wait lang!" Sigaw nito at hinawakan nya ako sa braso, hindi ko gustong may nanghahawak sa akin bigla kaya inis ko syang nilingon.
"Ano ba kasi iyon?!" Inis kong bulyaw dito, kulang na lang ay sumigaw na ako dahil sa sobrang inis.
"N-Naiwan m-mo kasi yung wallet mo" Napansin kong bigla syang namutla nang makita nya ang mukha ko at nautal pa ito.
"Okay" sagot ko. Tinignan ko naman sya mula ulo Hanggang paa, simple lang sya pero mapapansin mo parin ang ganda nang kurba nang katawan nito. Humakbang ako nang tatlong beses pero nilingon ko sya.
"Have we met before? You look so familiar" sabi ko at sa hindi ko malaman na dahilan eh bigla syang tumakbo.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil bigla itong tumibok nang sobrang lakas at sobrang bilis. What's happening?
Sigurado akong ang babaeng iyon ang dahilan nang pagtibok nang puso ko nang ganito, Lainna Nangunot ang nuo ko nang maalala ko ang pangalan nang babaeng iyon.
Sya ang dahilan kung bakit hindi kami makasal kasal ni Mayesha, dahil sa marriage contract na ako daw ang kumuha. Bakit naman ako kukuha nang Marriage Contract kung hindi naman kami nakakapagpakasal?
Natanggap ko naman ang message ni Rio na may dinner daw kami together Keil and Rogue kaya agad naman akong pumayag, tinext ko si Mayesha na kung may free time sya eh sumama sya sa akin at pumayag naman sya agad.
Pumunta na ako agad sa Office ko, nung nakaraang taon ay nag re-sign na din si Rogue as my secretary. Nagpatayo kasi sya nang isang Restaurant, pangarap daw kasi nya na makapag patayo ng sarili nitong restaurant.
Pumayag naman ako sa pagre-resign nya dahil pangarap nya yun at ayoko namang hadlangan ang pangarap nyang iyon.
Nang matapos kong pirmahan ang mga proposal nang ibang board members ay ibinilin kona lang kay Patricia na sya na muna ang bahala sa mga maiiwan ko dahil may gagawin ako at pupuntahan ngayong araw.
Hindi ko alam kung bakit magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Umuwi agad ako sa bahay, ako na lang mag-isa ang nakatira dun, minsan nga ay sa apartment na lang ako umuuwi.
Hindi ko alam pero biglang naging iba na ang pakikitungo ni Rio sa akin after nung sinabi kong kami na ni Mayesha.
Alam ko namang ayaw nya kay Mayesha dahil ayaw ko din naman sa kanya dati pero in the past na yon. Nang tanungin ko sya kung bakit ay tanging Siguraduhin mong hindi ka magsisisi ang tanging sagot nito.
Tinanong ko din naman sina Rogue at Keil tungkol sa sinasabi nilang Lainna at gaya ni Rio ay sinabi din nilang patay na patay ako sa Lainna na daw na iyon.
YOU ARE READING
Destined To Be Mine (Ongoing)
RomanceTahimik at mapayapa ang pag-aaral at pamumuhay nang High School Student na si Lainna Hanabi, mabait, palangiti at higit sa lahat ay maalalahanin. Ngunit nagbago ang takbo nang kanyang pamumuhay nang makilala nya ang kapatid nang kaybigan nito. Si Ry...