CHAPTER 32

44 3 0
                                    

[Ika Tatlumput isang Kabanata]

Mayesha's P.O.V

Naiinis na ako, ilang araw kona ding sinusundan sina Lainna at Ryo na ipinapasyal ang hampas lupang ampon nila nuon. Bwisit na bata! Sya ang nagiging dahilan para mapalapit si Ryo kay Lainna.

Halos lahat ginawa kona, sa loob nang mahigit limang taon ay nagpaka tanga ako kay Ryo, lahat nang gusto nito ay binibigay ko, hindi ako papayag na mawala na lang lahat nang pinaghirapan ko.

Kaya lang naman ako pumayag na makasama nang bata si Ryo ay dahil sa offer ni Lainna, ang sabi nya ay kapag napagbigyan kona daw ang kahilingan nito ay mawawala na sya sa landas namin.

Malapit naman na daw silang umalis dahil matatapos na din ang project nila, minsan kona din dinaanan yung project nilang building at pagpipuntura na lang ang kulang duon.

Pagkatapos non ay masosolo kona si Ryo, wala nang pwedeng makaagaw sa kanya. Kung may babaeng magtatangkang agawin sa akin si Ryo ay sisiguraduhin kong mawawalan sya nang hininga.

Hindi ako papayag na mapunta sa iba si Ryo, I would rather die nor kill for him to be mine. Competitive akong tao at ang matalo ang pinaka ayaw ko.

Tanaw tanaw ko sila ngayon habang kumakain sila, napatingin naman sa gawi ko si Ryo at agad akong nag smile sa kanya, nakita ko din na napatingin sa gawi ko si Lainna habang may kinakausap sa kanyang Cellphone.

Sa loob nang ilang araw na pagsunod ko sa kanila ay hindi ko naman nakitaan nang kalandian si Lainna, siguro nga ay tama ang narinig ko nuon sa usapan nila Rogue at Keil na si Ryo lang talaga ang may gusto sa kanya dati at hindi na ngayon.

Lagi lang naglalaro sina Ryo at ang Bwisit na bata, si Lainna ay lagi ko lang nakikitang nakatanaw lang sa malayo at mukhang may malalim na iniisip. Sa palagay ko ay masyado pa naman syang bata para maging Ina nang isang magsasampung taong gulang na bata.

Ang alam ko ay nasa 20's pa sya, 22 or 23 Years old na ito dahil kaedad lamang nito ang kapatid ni Ryo na si Rio the bitch! Ang babaeng iyon talaga.

Parang gusto ko syang tirisin na parang kuto dahil nabu-bwisit ako sa kanya, ilang beses kong sinubukan syang kausapin at lapitan pero sa tuwing ginagawa ko ang best ko para maging sister in law nya ay lagi ako nitong binabara at lagi nyang sinasabi na she doesn't like me, I doesn't like her either.

Habang nakatayo ako malayo kila Ryo ay nakatanggap ako nang text message galing kay Daddy, dali dali naman akong nag message kay Ryo na uuwi muna ako dahil nag text sa akin ang Daddy ko.

May sakit na kasi si daddy pero kahit ganon ay hawak nya parin at kontrolado nito ang takbo ng buhay ko. Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko ang mga basag na vase sa sala, agad naman akong kinabahan dahil duon.

"What the hell is this Mayesha?!" Sigaw nito at itinapon sa pagmumukha ko ang mga papeles at agad naman itong nagkalat sa sahig.

"Tell me what's going on with you! Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa company! Gusto mo bang malugi ang company ha?!" Nangingilid na ang mga luha ko at nanginginig na rin ang mga kamay at tuhod ko.

"D-Dad it's not that..."

"Then what is it?! You're not working because of a man? Lagi kang bumubuntot sa lalaking iyon?! Pinagbigyan na kita Mayesha, you're engaged with him because of me! Dahil pinilit mo ako Mayesha! I even sabotaged their companies to make them bankrupt para lang lumapit sila sa atin at hingian tayo ng tulong!"

"Dad it's just a one company, we have a lot of companies, you shouldn't worry about just one company" giit ko naman.

"One company? Do you know what are you even saying Mayesha?"

Destined To Be Mine (Ongoing)Where stories live. Discover now