Minsan narin kitang ipinaglaban,
Sa harap pa ng aking mga magulang
at kaibigan,
Ngunit ika'y nagbulag bulagan,
At mas pinili mo ang ang iyong bagong kasintahan.Ako iyong nauna,
Pero ako iyong naiwan sa gilid ng kalsada,
Habang mugto pa ang mga mata,
At naghahabol pa ng hininga.Bago mo lang siya nakilala,
Pero ipinagpalit mo na agad ako sa kaniya,
Asan na ang iyong sinabing sabay tayong tatanda?
Sabay na lalampasan ang bawat problema?Ano bang meron siya nawala ako?
Binigay ko naman lahat ng kaya kong ibigay sayo?
Sadyang hindi kalang siguro nakontento,
Kaya naghanap ka ng panibagong maloloko.Akala ko tayo na talaga hanggang dulo,
Akala ko mahal mo ako,
Akala ko sigurado na tayo,
Sa pangarap na sabay nating binuo.@Bee_Happyyyy
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryLots of unsaid thoughts and words that we can't voice out to anyone. That's why we're holding paper and pen to write what's on our mind. Gamit aming tinta't pluma, Aming ipahahayag aming nadarama, Sa pamamagitan ng mga salita, Patutunayang bawat let...