Balang Araw

43 3 0
                                    


Balang araw, iyong mararamdaman,
Ang sugat na 'yong iniwan,
Ang sakit buhat ng iyong kasinungalingan,
At ang pangungulilang 'di maiiwasan.

Balang araw mapagtatanto mo rin,
Na ika'y nagkamaling ako'y lisanin,
Na walang makapagbibigay sa'yo ng pagmamahal tulad ng sa'kin.

Balang araw habang payapa na ang 'yong isipan,
Biglang kakatok sa'yo ang ating nakaraan,
Hanggang sa ika'y tuloyan nang masaktan,
At paulit-ulit na babalikan ang tamis ng ating nakaraan.

Balang araw ika'y lulunorin ng 'yong mga katanungan,
Mga desisyong nagawa'y iyong pagsisisihan,
Iiyak ka ng patago't kailanma'y 'di mo ito mapipigilan,
At sasabihing “Sana 'di nalang kita pinakawalan”.

'Yan ay iilan lang sa aking pinagdaanan,
Mula noong ako'y iniwan mong mag-isa't luhaan,
Ngayo'y nais kong 'yan ay iyo namang maramdaman,
Tapos na ako, kaya ikaw naman.

@ Paintalim

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon