Dalawang pusong nagwawala,
Silang dalawa'y pinana,
Inaalis ang mga pangungulila,
At muling pinag-isa ng tadhana.Mga pangungulila mula sa pagkabigo,
Nangako ngunit napako,
Nagtiwala ngunit nabigo,
Nagmahal ngunit 'di umabot sa dulo.Pinili tayong pagtagpuin ng tadhana,
Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Kaya tayo'y nasaktan, naligaw at nawala.
Tayo siguro iyong sinasabi nilang 'pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.'Sinubukan mang ayusin ngunit huli na,
Nasira na ang binuong pagsasama,
Kahit anong gawin ay tapos na,
Ngayon nag iisa nalang itong masayang alaala.@Bee_Happyyyy
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryLots of unsaid thoughts and words that we can't voice out to anyone. That's why we're holding paper and pen to write what's on our mind. Gamit aming tinta't pluma, Aming ipahahayag aming nadarama, Sa pamamagitan ng mga salita, Patutunayang bawat let...