Naka upo sa gilid ng dalampasigan,
Habang ako'y iyong inaawitan,
Hindi ko mapigilan,
Ang kilig na sayo lang naramdaman.Ika'y aking tinititigan,
Sapagkat ang iyong mukha'y
kay sarap pagmasdan,
Ikaw ba'y hulog ng kalangitan?
Nasa akin ay ibinigay
ngunit walang kabayaran?Isa ako sa mapalad,
Sapagkat sa'kin ka napadpad,
Kaya pagmamahal ko sayo'y laging ilalahad,
At sayo'y palaging magiging tapat.Mundo man ay bumaliktad,
Pangako, na ang pangako natin ay matutupad.
At hindi ko hahayang ikaw ay mapagod,
Hindi ko hahayang sakin ikaw ay tumalikod.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryLots of unsaid thoughts and words that we can't voice out to anyone. That's why we're holding paper and pen to write what's on our mind. Gamit aming tinta't pluma, Aming ipahahayag aming nadarama, Sa pamamagitan ng mga salita, Patutunayang bawat let...