Panibagong araw, panibagong pagsubok na haharapin.
Sa pag tila ng ulan,
Muli na namang magliliwanag ang kalangitan,
Ito'y nagpapa alala sa'tin na tayo'y lumalaban.Napapagod kana ba?
Huwag mo sanang kalimutan na ika'y magpahinga,
Dahil ang pagkapagod mo ay tanda na ika'y lumalaban,
Malayo pa ang iyong lalakbayin kaibigan.Ito'y hindi isang karera,
Upang ika'y makikipag unahan sa iba,
Huwag kang mag madali,
Makakamtan mo din ang tropeyo sa huli.Tulad ng pagong kahit ito'y mabagal maglakad,
Nakakarating parin ito sa nais niyang puntahan,
Kaya payo ko sa'yo kaibigan,
Ika'y huwag makipag unahanan.
Dahil makakarating ka rin sa iyong patutunguhan.@Bee_Happyyy
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryLots of unsaid thoughts and words that we can't voice out to anyone. That's why we're holding paper and pen to write what's on our mind. Gamit aming tinta't pluma, Aming ipahahayag aming nadarama, Sa pamamagitan ng mga salita, Patutunayang bawat let...