Tama na siguro

40 3 0
                                    


Tama na siguro ang ilang taon,
Na puso't isipan ko'y sa'yo lang nakatuon,
Ang ilang taong paghingi ko sa'yo ng atensyon,
Umaasang baka maaari pang ibalik ang ating kahapon.

Panahon na siguro para bumitaw,
Sa pagmamahal ko sa'yo na umaapaw,
Haharapin na ang panibagong araw,
Na wala ng ikaw.

Napagod na ako ng husto,
Kaya umabot na sa puntong ako'y sumuko,
Sakit at pighati ang aking natamo,
Sa pag-ibig na ipinaglalaban ko.

Kaya tama lang siguro,
Ang desisyon kong ito,
Titigil na ako,
Sa pagmamahal sayo.

@Paintalim

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon