Ikaw ngayon ay lumuluha,
bigat sa puso'y iyong nadarama.
Kaya tinanong kita kung ika'y kumusta na,
at tanging sagot mo'y payakap ako sinta.Hindi ako nag atubiling ipadama,
ang yakap na ninanais mo sinta.
Sapagkat alam kong kay bigat ng iyong dinadala,
kaya naman magpakatatag ka pa sana.Marami pang problema ang kailangan mong kayanin,
mga pagsubok na dapat lampasan at harapin.
Nandirito lang ako, handa ka palaging yakapin.
Sasamahan kita at patuloy na aakayin.Palagi kang uunahin,
at mga pangamba ay susubukang alisin,
Patuloy kang mamahalin,
at araw-araw ika'y palaging pipiliin.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryLots of unsaid thoughts and words that we can't voice out to anyone. That's why we're holding paper and pen to write what's on our mind. Gamit aming tinta't pluma, Aming ipahahayag aming nadarama, Sa pamamagitan ng mga salita, Patutunayang bawat let...