Ikaw lang ang iibigin sinta.

60 5 0
                                    

Nakilala kita nang 'di inaasahan,
Naging komportable sayo ng mabilisan,
Hindi ko inakala na ika'y may angking kakulitan,
Pero may tinatago rin palang kabaitan.

Sa tuwing kausap ka,
Ngiti sa labi ay hindi mabura,
Ngunit kaagad namang nawala,
Nang ika'y 'di nakausap pa.

Hindi ko alam kung nasaan ka,
Ang alam ko lang ay hinahanap hanap na kita,
Ilang araw na ang nagdaan at hindi kana talaga nagpakita,
Sana nagpaalam ka man lang bago ako iwanang nag iisa.

Sa maikling panahon na nakilala kita,
Hindi ko maipagkaila na ako'y nahulog na talaga,
Hindi ko nga alam kong ginamitan mo ako ng gayuma o isang mahika,
Para mapa ibig sayo ng sobra sobra.

Ngayon, ang tanging hiling ko nalang ay ang bumalik ka.
Upang maipagpatuloy natin ang nasimulang istorya,
Umabot man ng taon ang paghihintay ko sayo ay hinding hindi ako mag sasawa,
Pagkat ikaw lang ang tanging gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.

@Bee_Happyyyy

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon