Chapter 21
Tatlong lingo na walang paramdam si lorcan saakin. Pero wala akong paki dahil alam ko namang nambabae na naman iyon. Simula noong hinatid niya ako sa bahay ay wala na siyang sinabi basta na lamang pinaharorot ang sasakyan paalis.
Attitude yarn?
I was in cubicle, when some of my classmates are shouting. Di ko alam kung anong meron at sumisigaw sila. Kulang na lamang ay mangisay sila sa sobrang pagtitili nila.
As chismosa binilisan ko ang kilos at lumabas Para maki-usisa. Nag-tataka ako bat nasa akin ang tingin ng mga ito.
Anong meron?
"Gurl!" Sigaw ni migz mula sa malayo.
Kumaway naman ako sa kanya. Sumenyas siya na pumunta ako sa kanyang pwesto.
Huh? Anong bang nangyayari?!
"Bilisan mo nga! Bagal-bagal mo." Hinablot niya ang aking braso at hinila.
Mula sa bintana ay kita ko ang mga studyanteng nag-sisigawan. Para silang ano langgam! Nasa gitna ang kanilang tingin.
"Oh?" Turo ko Kay kuya. "Bat andito yan?"
Diko alam kung ano bang nangyayari ngayon. Tsaka bat andito si kuya at may dala-dalang bulaklak. Wag mong sabihin na may tipo siyang babae dito?
Nanlaki pa ang aking Mata ng makita si David, maky at si lorcan. Lorcan has been taken so much attention here. Ano bang nakakain ng mga ito at nagpapansin dito?!
"I want to say na. SORRY CASEY! I DONT KNOW WHAT HAPPENED BUT I PROMISE YOU THAT I WILL BE A GOOD GUY NA!!" sigaw niya at nasa akin ang tingin.
Bat ba niya ginagawa ito? Para na siyang timang tignan..
Good guy? Maniwala naman.
Dinig ko ang ipit na tili ni migz sa aking gilid. Tinulak-tulak pa ako ng bakla sa sobrang kilig. Wala namang nakaka-kilig diyan, bukod sa may dala siyang chocolates.
Anong bang pakana na naman ang ginawa ng mga ito. Nang-aabala lamang sila ng mga studyanteng nag-aaral dito.
Tinulak ako pababa ni migz sa hagdan. Hanggang sa maka-baba kami mismo sa harap nila lorcan.
"Ano ba? Tulak ng tulak eh." Inis na Sabi ko Kay migz.
At ang bakla ay inirapan lamang ako saka ngumiti Kay lorcan. Kasabwat din ang isang ito eh.
"Hey." Tawag saakin ni lorcan.
"Oh?"
Tumabingi ang kanyang ulo na Para bang pinag-aaralan ako.
"I miss you." Sambit niya. Tumili naman ang mga ilang nakarinig. Lalo na si migz na hinampas pa ang katabi.
Lumabi at tumaas lamang ang aking kilay.
Si kuya ay walang paki sa nangyayari panay lamang ang tingin niya sa kanyang cellphone.
Inabot saakin ni lorcan ang kanyang dala. Maski ang hawak ni kuya ay ibinigay niya saakin. Wow chocolate! Miss ko na kumain ng chocolate di na kasi ako nakakabili sa sobrang busy.
"I want to say something. " pukaw niya sa aking atensyon. "I've been working on this. Pinag-isipan kung mabuti ito. Nag-paalam na rin ako sa kuya mo kung pwede ba."
Nilingon ko naman si kuya na umasim ang kanyang mukha.
"Nag-umpisa tayo sa enemies and gusto ko Sanang magtapos tayo sa lovers. " Gosh napaka-corny nito.
Ang tibok ng aking puso ay di na ganon ka normal. Para bang lalabas na ito sa sobrang bilis..
"I want to ask you if... Will you be my girlfriend?"
Uminit ang aking pisngi dahil sa mga tilian ng mga nanonood na studyante. Lalo pa noong lumapit saakin si lorcan at hinawakan ang aking kamay. Pinisil niya iyon at ang mga mata ay namumungay na naghihintay sa aking sagot.
"Tangina hoy Casey! Sagutin mo na." Gigil na sigaw saakin ni migz.
"Hoi! Kung ikaw nalang Kaya ang sumagot? Total parang gusto mo naman." Sambit ko dito.
Naramdaman ko muli ang pag-pisil ni lorcan sa aking kamay.
"I'm waiting." Aniya tumaas pa ang kanyang kilay.
"Bat mo ba ginagawa ito?" Tanong ko sa kanya.
Parang di ko naman gusto itong nangyayari ah?!
"I want you to be mine. Para wala ng pag-asa iyong mga karibal ko."
Karibal? Ah! Marami palang nagpaparamdam sa Akin. Panay ang bigay ng bulaklak at kung ano-ano pa sa aking locker.
In that day walang paligoy-ligoy na sinagot ko si lorcan. Sa harap ng maraming tao ay hinalikan niya ako sa aking labi. Iyon ang unang halik at siya ang unang lalaki na humalik sa Akin. In short siya ang first kiss ko.
Kung hindi pa siya sinuway ni kuya na humiwalay ay di niya ako titigilan.
Sabay kami sa lahat ng bagay ni lorcan. Kapag busy siya sa kanyang trabaho ay video call kami habang kumakain. Ganon ang routine hanggang sa pagtulog. Naiinis na nga minsan si kuya dahil panay ang tawag sa Akin ni lorcan.
"Kingina lorcan! Pwede bang bukas kana ulit tumawag? Kulang nalang ay i-uwi mo na si Casey." Inis na sambit ni kuya.
Humalakhak naman si lorcan. "Pwede ba bro? Pwede ko na ba siyang i-uwi?"
Napamura si kuya at akmang ibabato ang aking cellphone sa inis. Agad ko iyong inilayo sa kanya.
"Baliw wala akong pera pambili ng bagong cellphone. Kaya tumigil ka dyan! Para Kang may regla araw-araw."
Umirap lamang siya at iniwan na ako sa sala.
Buang kasing lorcan lahat nalang ay pinipikon niya. Wala atang araw na di yan namimikon ng tao, maski ako ay pinag-tritripan niya minsan.
"Love?."
"Hmm." Sagot ko.
Busy kasi ako sa pag-rereview ng aking notes dahil finals na namin sa susunod na araw.
"Ilan gusto mong anak?" Biglang tanong niya saakin.
Kahit wala akong iniinom ay namasid ako sa kanyang tanong.
"Anong tanong iyan?"
Nasa tabi ko siya ay panay ang laro niya sa aking buhok. Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Wala bigla lamang pumasok sa aking isip. Ilan ba ang gusto mo? Para maka-gawa agad tayo."
Hinawakan ko ang kanyang kamay na humahaplos saaking tyan.
"Baliw ka talaga. Kung marinig ka ni kuya baka bigwasan ka non wala sa oras."
Dalawa lamang ang gusto Kong maging anak. Lalaki at babae okay na ako. Gusto ko panganay iyong lalaki Parang saamin ni kuya.
"Ayan mo siya. Ganyan na talaga pag-tumatanda na." Pilyong Sabi niya.
Tumawa naman ako dahil doon.
"Dalawa lang okay na ako. Pero wag muna ngayon dahil nag-aaral pa lamang ako." Next year ay nasa last year na ako bilang studyante.
Magiging ganap na doctor na ako. Iyong pangarap ko ay unti-unti ng natutupad. Mula sa musmos na bata ngayon ay magiging ganap ng doctor na siyang pinapangarap noon pa man.
"Hihintayin ko yang araw na iyan." Bulong niya at pinatakan ako ng halik sa aking balikat.
Sinandal ko ang aking ulo sa sa kanya at pinikit ang mata. Sana di ko maranasan Yung mga bagay na nanyayari sa iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/259082716-288-k625426.jpg)
BINABASA MO ANG
I FALL IN LOVE WITH MY MORTAL ENEMY
FanficSomeday kung sino pa Yung kina-iinisan mo ng sobra sa kanya kapa mahuhulog na husto. Kaya nga ba ni Casey na pigilan ang nararamdaman sa bestfriend ng kanyang kuya in short sa taong kinaiinisan nya ng sobra.