24

239 8 0
                                    

Chapter 24

VOTE AND COMMENT :)

Bahay at school lamang ang aking pinupuntahan. Kung meron man ay sa mall at coffee shop lang madalas kasama si migz. More on study lang ako sa bahay, mask isa pag-labas ay dala ko ang aking laptop at ipad. Doon ko na lamang nililibang ang aking sarili dahil tinatamad lang ako sa lahat. Wala akong choice kundi ang mag-aral ng mag-aral kasi naman kahit gustuhin kong lumabas ay uuwi lang din ako agad kaya wag na lamang.

August 12 ngayon at birthday ni lorcan. Noong naging kami ay sabi niya gusto niyang mag-celebrate na kasama ako. Pero ngayon mag-celebrate siyang iba ang kasama. That girl.. Siya pala yung hinihintay niyang dumating matagal na. nakwento siya sakin ni kuya dati na kaya madalas mang-asar si lorcan ay miss niya lamang iyong babae dahil iyon lang ang may lakas ng loob na patigilin si lorcan sa ginagawa, at inaasar din.

Maliban saakin may nauna na palang enemy ang gago kaya siguro niya ako inaasar ay Nakita niya ang dati niyang kaasaran saakin.

"Si jona iyon. Kababata ni lorcan sa US." Sabi ni kuya ng minsan akong nag-tanong dahil inaasar nila si lorcan ng jona.

Tumango ako. Ay may bago na akong pang-asar kay lorcan. Iyan pa ang nasa isipan ko noon.

"What a shit." Bulong ko sa aking sarili.

Bumaba ako at pupunta sana sa kusina ng madatnan ko na may mga tao pala sa sala. Naging mailap ako sa kanila noong hiwalay na kami ni lorcan. Wala akong gustong kausapin ni isa sa kanila, kasi feeling ko ay kakampi silang lahat ni lorcan..

"Oh casey!" tawag sa akin ni David. Malaki ang ngiti nito sa labi at kumaway pa saakin.

Kumaway lang ako pabalik at walang balak na mag-salita. Si kuya ay nakatingin lamang saakin ganon din yung mag-jowa sa kanyang tabi. Kahit hindi ko sabihin kay kuya iyong nangyari ay alam niya kung ano ang nangyayri saakin.

Tumawag saakin noon si migz at sinabing binugbog daw ni kuya si lorcan sa bar ni David. Panay ang awat nila maky at David dito pero di parin nag-papatinag si kuya.

"Tarantado ka! Kahit kaibigan kita di ko pwedeng palag-pasin ang ginawa mo sa kapatid ko gago!" galit na sigaw ni kuya at nag-pupumiglas mula sa hawak ni maky at David.

Kinuhanan ni migz ng video para daw mapanood ko.

Pumutok ang labi ni lorcan dahil sa suntok ni kuya. Nakita ko rin sa video nan aka-yakap si jona kay lorcan at pilit na pinapakalma si kuya.

"Stop na cleo please! Maawa ka naman kay lorcan." Paki-usap nito.

Tumawa naman si kuya ng nakakaloko. "Maawa? Nag-papatawa ka ba? Dahil sa gagong iyan di lumalabas yung kapatid ko sa kwarto niya. Di ko alam kung ano bang ginagawa ng kapatid ko sa tuwing nag-tatanong ako sa kanya." Habang pinapanood ko iyon ay kusang tumutulo ang aking luha dahil sa sinabi ni kuya.

"Kaibigan lang kita, pero dahil sa ginawa mo sa kapatid ko diko masasabing kaibigan pa ba talaga kita?! Tandan mo iyan."

Di ko man alam kung paano sila nag-kaayos pero masaya ako para sa kanila. Ayaw kong may nasisirang pag-kakaibigan dahil saakin. Okay naman na ako may sugat pa rin pero masasabi kong okay na ako. I know kung gaano ako kaswerte dahil may kuya ako. Feeling ko ay safe ako dahil andyan si kuya cleo para saakin.

"Kumain kana?" tanong ni kuya saakin.

"Oo kanina noong wala kapa. Di n akita nahintay dahil marami akong ginagawa." Tugon ko at pinapa-kiramdaman ang bawat isa sa aking paligid.

"Ganyan talaga kapag graduating na." Sabat ni David.

Tama naman ganito talaga ang pressure kung graduating student kana. Andaming kailangan gawin para sure graduate ka.

"Right."

Hinawakan ni kuya ang aking ulo at ginulo iyon. "Wag papagutom."

Napaka-sweet naman talaga ng kuya kong ito. Sana alagaan siya ng taong mamahalin niya. Di na ako tumingin sa direksyon niya kahit na lama ko namang pinapanood niya ako. Sorry di ko pa kayang humarap sayo ng buo, di pa ako matapang eh. Baka sa susunod na haharap ako sisiguraduhin kong naka-ngiti akong babati sayo lorcan.

"Happy birthday pala. K..Kuya." Bati ko sa kanya pero di siya nilingon.

Inabot ng ilang sigundo bago siya sumagot. Pero mabilis na akong nag-lakad patungo sa kusina.

"Thank you cas."

Tumango lang ako. It's your day kaya sana maging masaya ka. Yan lang naman ang hiling ko sayo.

"Totoo ba casey? Aalis kana pag-tapos ng graduation mo?!" nagulat pa ako dahil bigla akong niyakap ni David.

Oo pala nakuha na kami ni migz sa hospital sa Italy. May nag-hihintay ng opportunity saamin doon. Pag-tapos ng graduation ay lilipad na kami agad patungo doon para asikasuhin ang mga papel naming. Nagulat kami kasi bigla na lamang may nag-notif saakin ng ganon sino ba naman ako para tangihan diba? Tuwang-tuwa sila mommy at daddy ng malaman nila iyon.

"Yeah! May trabaho nang nag-hihintay saakin eh." Sambit ko sa kanya.

Ramdam ko ang paninitig saakin ni lorcan. Pero pilit kong binabaliwala iyon.

"Saang bansa? Para naman mabisita kita." Malungkot na tanong ni David.

Parang ewan naman ang isang ito.

"Marami silang nag-offer eh!" saad ko. "Mamimili pa lamang ako kung saan ko gusto."

Ngayon pa lamang ay mamimiss ko na ang environment ng Pilipinas. Panibagong buhay at araw na naman ang tatahakin ko doon.

Ayaw kong sabihin na sa Italy ako pupunta dahil gusto kong mag-enjoy muna na walang kahit sinong sagabal. Sila kuya lamang ang may alam non at sinabi ko na rin sa kanila na ayaw kong malaman nila David kung nasaan ako. Lalo na si lorcan, di naman sa ayaw na siyang makita. Ang gusto ko lamang ay ayaw ko lamang na nag-tatagpo muli ang landas naming dalawa.

Kung mag-tatagpo man muli. Ay magaling na yung sugat ko na siya ang dahilan.

Sa pag-kakataong iyon ay handa na ako..

"Saka wag kanang malungkot ampangit mo lalo." Biro ko sa kanya at ginatungan pa ng tawa.

Kelan nga ako last na tumawa?

Yung araw na kasama ko pa siya. Alam kung gulat siladahil sa biglaan kung pagtawa. Sino ba naman ang hindi magugulat? Ni minsan ayhindi na ako muling tumawa ng dahil sa breakdown ko, ngayon lamang ulit. Ang gaansa paki-ramdam at ang sarap sa feeling na naka-tawa na akong muli. 

I FALL IN LOVE WITH MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon