Chapter 33
VOTE AND COMMENT:)
Lorcan Rage Cameron PoV...
Napamura ako sa gulat dahil pag-labas ko ng banyo ay siya ang aking Nakita. Di ko alam kung anong pumasok sa kukute ni cleo at di man lang niya sinabing si casey ang kasama ko sa kwartong ito. Binato niya ako at inutusang mag-suot ng damit. Pag-labas ko ay wala na siya doon kung saan ko siya iniwan. Mag-papanic sana ako kaso Nakita ko ang kanyang maleta na nandoon sa gilid ng kama ay naka-hinga ako ng maluwag.
Bumama na ako baka sakaling andoon siya sa baba. Pero ni kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.
"Hinahanap mo si casey? Umalis baka nag-hahanap ng bagong lalaki." Birong Sabi ni David. Tinaasan ko lamang siya ng middle finger.
Anong mag-hahanap? Sakin lang siya...
Hinintay ko na lamang siyang bumalik dito baka nalibang lamang iyon sa pamamasyal dito. Tumulong nalang ako sa mga Gawain. Panay ang tingin ko sa aking likuran nag-babakasakaling andiyan na siya, di naman ako nabigo dahil Nakita ko na siyang may hawak na isang paper bag na keychain.
Andami naman non? Saan naman niya ibibigay ang mga iyon?!
Seryuso kaming nag-uusap na dalawa sa tent. Doon ay napag-tanto ko na meron parin siyang kinikimkim. Di naman basta-basta iyon mawawala kahit na ilang taon pa ang lumipas. I'm happy na kahit papaano ay nag-uusap na kaming dalawa.
Gumalaw siya saaking tabi at humigpit ang kanyang yakap. Napangiti ako dahil finally andito na ulit siya sa aking bisig.
"Anong iniisip mo?" antok na tanong niya saakin.
"Iniisip ko yung mga nangyari sa atin. Andaming ganap saakin din pala ang bagsak mo." Pilyo kong sab isa kanya.
Mahina naman siyang tumawa dahil doon. "Loko ka talaga. Tulog na mahal maaga kapa bukas."
Ang sarap sa tenga sa tuwing tinatawag niya ako ng 'mahal' yung kanyang boses ay tela angel na kailangang sundin. Malapit na ang kasal naming dalawa at medyo Malaki na rin ang kanyang tyan dahil may laman na iyon, di na rin siya bumalik sa Italy para mag-trabaho dahil binakuran ko. Panay bogbog ang abot ko sa kanya ng malaman niyang pina-cancel ko ang kanyang flight pabalik.
I'm finally home...
Hinalikan ko ang kanyang noo at yumakap na rin sa kanya at ipinikit na ang mata,.
"Mahal! Bangon na."
"Mamaya pa ang aga palang." Antok na sabi ko sa kanya.
Hinampas naman niya ako ng unan. "Aba lorcan sinasabi ko sayo pag-dikapa bumangon dyan ay lalayasan talaga kita."
Yan na naman po ang anyang banta sa akin sa tuwing di ako sumusunod sa kanya. Noong minsan na akala ko ay banta lang. Pero nong iminulat ko ang aking mata dahil sa tawag ng guard sa gate ay agad akong napa-balingkwas ng bangon.
"Sir si ma'am gustong lumabas. Umiiyak pa ito sir." Oh fvck! Gago ka talaga lorcan.
Mabilis akong lumabas ng bahay at tumungo sa guard house. Nakita ko si casey na sinasabunutan ang dalawang guard dahil hindi siya palabasin.
"Ang pangit niyo kabonding! Bat ba hindi niyo ako palabasin? Kakalbuhin ko nalang kayo mga peste." Galit na sabi niya sa mga ito.
Akala ko ba umiiyak? Bat parang sila pa iyong iiyak.
Lumapit ako sa kanya at inawat. "Love enough."
Tumingin naman siya saakin at bumaling muli sa mga ito. "Ayan tuloy na abutan na ako ng pangit din na kamukha ni satanas."
Grabe na itong epekto ng pag-bubuntis ni casey ah. Sasakalin ko na iyong nag-pauso ng ganito pag-nabubuntis ang mga babae.
"Pasensya na po. Ito tanggapin niyo para naman may pang-meryenda kayo. Pasensya na talaga mga sir sa ginawa ng asaw ko." Hingi ko ng despinsa sa mga ito.
Buong mag-hapon kong sinuyo si casey at sinunod lahat ng kanyang sinasabi. Maski pag-linis ng kanal ay ginawa ko dahil iyon ang gusto niya. Di naman ako maka-tangi dahil baka umiyak pa siya at malalagot na naman ako.
"Babangon kaba o hindi?" kahit antok pa ay bumangon na ako.
Pikit ang aking mat ana umupo sa aming kama at ngumiti sa kanya. Parang pusa naman itong lumambing saakin, dahil agad siyang yumakap at hinalik-halikan ang aking mukha. Jesus! Hinawakan ko ang kanyang bewang at pina-upo siya sa aking hita. Hinaplos ko ang may kalakihan na tyan niya, dinama ko iyon at Pinaki-ramdaman.
"Malapit na lumabas si baby. Kaya dapat ay kasal na tayo bago siya lumabas." Sambit ko. Gusto ko kasi ay kasal na kami ni casey pag-manganganak na siya at hindi na mahirap na irehestro ang pangalan ni baby kung sakali.
Hinaplos niya rin ang aking buhok. "Ikakasal nan ga tayo this week, kaya mag-hintay ka nalang."
August 21 ang date ng aming kasal. Kaya naman panay ang pag-hahanda naming. Tapos na rin ang aming photo shoot and ganon din sa mga kasama naming. Hinihintay nalang na matapos ang mga damit na gagamitin ng mga flower girl at iba pa. Yung mga invitation cards ay nai-pamigay na din. Tuwang-tuwa ang lahat at excited na, pati ako ay excited at kinakabahan. Mamaya pala ay aalis si casey at uuwi muna sa kanilang bahay. Mga pamahiin ng matatanda kaya naman iyon ang susundin naming.
Ayaw ko namang mabatukan ng nanay ko at nanay ni casey kung iyong kagustuhan ko ang masusunod. Ganon kasi ang nangyari kay cleo binatukan ng kanyang nanay kaya panay ang tawa ng kanyang asawa. Naka-simangot lamang ang aking kaibigan dahil sa ginawa ng kanyang ina. Sa takot ko na iyon ay sinunod ko naman dahil iyon din ang paniniwala ng aking mahal na babae. Wala akong magawa baka pati siya ay sumali sa pambabatok saakin, napa-kaamasuna pa naman non kaya sunod nalang.
Habang hinihintay ko ang kanyang tawag saakin ay naligo muna ako dahil kagagaling ko lamang sa pag-wowork out. Sobrang boring sa bahay kapag wala siya, Para din akong tanga na kinakausap ang mga plato dahil wala si casey na madaldal.
"Naligo ka?" Tanong niya saakin.
Tumango naman ako. "Ikaw di naman sumasakit iyang likod mo?"
Madalas kasing sumakit ang likod niya, kaya nag-aalala lamang ako. Siguro naman ay okay lang siya doon dahil kasama naman niya ang kanyang mommy na alam ang gagawin.
"Kanina oo pero andyan naman si mommy."
Huminga ako ng malalim at sumimangot sa kanya.
"I miss you."
Tumawa naman siya at sinabing. "I miss you too."
Anong oras na noong napag-pasyahan kong patayin na ang tawag dahil naka-tulog na ito. Hinalikan ko ang screen ng aking cellphone para kahit papaano ay nahalikan ko rin siya. Pinag-masdan pa ng saglit pago inoff.
BINABASA MO ANG
I FALL IN LOVE WITH MY MORTAL ENEMY
FanficSomeday kung sino pa Yung kina-iinisan mo ng sobra sa kanya kapa mahuhulog na husto. Kaya nga ba ni Casey na pigilan ang nararamdaman sa bestfriend ng kanyang kuya in short sa taong kinaiinisan nya ng sobra.