Chapter 24

5.2K 134 2
                                    

"Kumusta na siya?"

Napalingon si Sapphire sa lalaking biglang tumabi at umupo sa tabi niya.

Utang niya ang lahat sa lalaking nagdala sa kanyang kapatid sa ospital ng atakihin ito. Ang buong akala niya ay normal na ang kapatid niya dahil sa mga pagpapa-check up nito every month at may mga gamot din itong mini-maintain pero biglang naglaho ang lahat ng iyon ng atakihin kanina si Gabby.

Kung hindi pa ito mabilis na nadala sa ospital ay baka may masamang nangyari na rito.

Hilam pa rin sa luha ang mga mata niya hanggang ngayon. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit wala siya sa tabi ng kapatid. Kung bakit palagi siyang huli sa tuwing may nangyayari sa kapatid niya.

God! She hasn't been a good older sister to Gabby.

"Sabi ng doctor na okay na naman daw siya kaya lang hindi pa rin gumigising si Gabby.." naiiyak na naman niyang sabi.

Naramdaman niya ang paghaplos ng lalaki sa likuran niya.

"She'll be fine."

"Thank you. Thank you for saving my sister's life,Tyrone." tumitig siya sa mukha ng lalaki.

Bahagya lang itong ngumiti. "Wala yun. Your sister is my friend."

She didn't know much about the guy pero alam niyang mabuting tao ito.

Kanina nang nakatanggap siya ng tawag rito ay akala niya'y nakidnap si Gabby pero nang ipinaliwanag nito ang buong nangyari ay nagmadali agad siyang punatahan ang ospital kung saan dinala nito ang walang malay niyang kapatid.

Tyrone told her that he found her lying on the ground na wala ng malay. At hinalughog raw nito ang purse ni Gabby kaya nakita nito ang cellphone at pangalan agad niya ang tinawagan nito since yung registered name niya sa phone ni Gabby ay "Big Sis."

Gabby may not be that expressive pero alam niyang sa loob ng napaka-cold na maskara ni Gabby ay ang little sis niyang napaka-vulnerable.

Muli ay bumaling siya sa walang malay niyang kapatid na nakahiga lang sa hospital bed. Parang kinuyumos ulit sa sakit ang puso niya. Awang-awa siya sa kalagayan ng kapatid niya.

"Stop crying,she'll be okay. She's a fighter." pampalakas loob na sabi pa nito.

She appreciate all his effort para pagaanin ang loob niya. Kahit ngayon lang niya ito nakilala ay magaan agad ang loob niya rito. Surprisingly,magka-edad lang pala sila nito.

"Natawagan mo na ba yung parents niyo?"

Umiling siya. "Not yet. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kina Mama at Papa. Tiyak mag-aalala ang mga iyon. My parents are going through a tough time right now. Pero walang alam si Gabby kaya sinadya ni Papa na i-transfer siya rito. Ayaw nilang madamay kami sa gulong nangyayari ngayon roon."

"Sorry to hear about that."

"It's okay. Promise me you won't tell Gab kasi ayokong madagdagan ang alalahanin niya." pakiusap pa niya rito.

Hindi niya alam kung bakit madali para sa kanya ang sabihin ang mga bagay tungkol sa pamilya nila sa lalaki. It's like she's comfortable with him.

Nang lingunin niya ito ay nagulat pa siyang nakatitig pala ang binata sa kanya.

Pinamulahanan niya ito at nag-iwas siya ng tingin.

Buti na lang at tumunog ang cellphone ng lalaki at nagpaalam itong lalabas para sagutin ang tawag nito.

Napahawak tuloy siya sa dibdib niya ng bumilis bigla ang tibok ng puso niya.


"Hello? Caleb?" si Tyrone nang sagutin niya ang tawag.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon