Chapter 11

6.4K 174 1
                                    

Dahil sa hindi ko kayang maiwan kaharap ang mga lalaking kaibigan nina Audrey at Leighton lalong-lalo na at hindi ko matagalan ang presensya ng bruho ay nagdesisyon akong tumulong na lang kina Audrey at Leighton sa mini-kitchen nila.

Hanggang ngayon ay nalulula pa rin ako sa ayos ng dorm ng mga ito. Iba na talaga pag mayaman eh. Parang nasa bahay lang ang mga ito.

Pero nagtataka pa rin siya kung bakit sinabi nitong party ang dadaluhan niya eh obviously it's far from it.Ang tanging loud music lang ng mga ito ay ang ihome speaker kung saan may nakapatong na ipad rito. And they call it a party? Pffttt..

"Akala ko ba party?" hindi na niya napigilan pang ibulalas iyon kay Audrey habang nasa kitchen counter sila. Si Leighton naman ay may kinukuha sa cabinet.

Audrey chuckle. "This is how party here in the dorm,Gab. Wait,don't tell me you meant a party which is my mga alcohol drinks,tapos loud music tapos may mga nagsasayawan?"

"Yeah." aniya.

Tumawa na lang ito. What's funny?

"We'll come to that Gab pero hindi pa ngayon. Depende sa mga yun."dagdag pa nito saka itinuro ang mga lalaking nasa sofa.

Kumunot naman ang noo niya.

"What are you whispering girls?" ani Leighton na hawak na ang isang bowl ng popcorn sa isang kamay at isang bowl ng chicken adobo naman sa isa saka inilapag iyon sa counter.

"Tara dalhin na natin ito." yaya ni Audrey. She was holding a plate of calamaris and cheese sticks saka nagsimula ng maglakad ang mga ito sa sofa.

Siya naman ay mga utensils lang ang binitbit dahil yun lang naman ay binigay ng dalawa sa kanya.


"Dito ka na maupo,Gab."napatingin siya kay Leighton at tinapik nito ang katabing upuan na bakante.Si Audrey ay naupo sa gilid tuloy ay napapagitnaan siya ng dalawa. Habang sa isang side ng sofa ay nakaupo ang mga lalaki. Si James nakatabi ni Audrey,si Caleb sa gitna at sa gilid si Tyrone.

Hindi na maingay ngayon dahil nanunuod na ang mga ito ng movie.

Tahimik lang siyang kumakain habang ang mga kasama niya'y nagtutuksuhan at nagkukwentuhan.

Actually kung hindi lang nakakahiya ay kanina pa siya kumain ng kumain dahil sa sobrang gutom niya.

"So,Gab,tell us about your life in Cebu."bumaling siya sa nagsalita.

Si Caleb iyon.

"Ha? What do you want to know?" sagot niya naman.

"Like your old school How's like in there?" sabi pa nito.

"Okay lang. So so.." simpleng saad niya saka nagkibit lang siya ng balikat.

What's there to say about her life anyway?

Nagulat pa siyang napaubo bigla si Tyrone.

"Just like that?" natatawang sabi pa nito na para bang may gusto pa itong malaman sa kanya.

Nakita niyang ganun din ang mga ekspresyon ng iba pa pero nang dumako ang tingin niya sa gawi ni James ay seryoso lang itong nakatitig sa kanya na para bang tinatantiya siya kaya naman ay tinaasan niya ito ng kilay.

Pero mas lalo pang nagngitngit ang kalooban siya ng ngunisi lang ito ng nakakaloko. Mantakang gusto niyang ibato rito ang hawak niyang plato sa mukha nito.

Aside from her friends Lulu and Dana ay wala na siyang ibang sinabihan pa tungkol sa buhay well yung sa dalawa nga ay maingat pa din siya ito pa kayang mga kaharap niya na bago lang niyang nakilala? She couldn't just share her life with them kahit pa napakabuti ng mga ito sa kanya.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon