Chapter 26

5.4K 144 0
                                    

"Gab..I'm here..alam kung hindi mo ito naririnig pero nagbabasakali pa rin ako. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo kanina. I'm sorry kung nag-walk out ko at iniwan kita. Angel please wake up...."


Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang boses na iyon.


Andrew. Nandito si Andrew.


Gusto niyang sagutin ito pero hindi niya magawa. Gusto niyang gumalwa pero wala siyang lakas para gawin iyon. Pero kahit ganunpaman ay naririnig niya ang mga sinabi nito. It brought life to her. Mas lalo pang nagising ang diwa niya ng maramdaman ang init ng kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

She may be lifeless for now pero ramdam niya ang binata. Marami siyang gustong sabihin rito.


She wanted to tell him that she's falling for him too pero hindi pa niya magawa.

Gusto niyang dumilat pero ayaw ng mga mata niya.


Suddenly,naalala niya ang nangyari. Nasa school ground nga pala siya at iniwan siya ni Andrew kaya naman napahagulgol siya at bigla na lang niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib niya.

She was trying gasp for air pero hindi niya magawa kaya naman nanghina siya at tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.


"I'm going to stay,Gab. Ang tanga ko talaga dahil iniwan kita dahil nasaktan ako sa ginawa mong pag-reject sa akin. Akala ko parehas tayo ng nararamdaman. I assumed too much." patuloy pa rin niyang naririnig ang mga sinasabi nito.


Nasaan ba siya at bakit hindi niya man lang magawang gumalaw? Bakit wala siyang lakas? Nasa ospital ba siya? Si Andrew ba ang nagdala sa kanya? Teka,alam na ba ni Andrew na may sakit siya sa puso? OMG! Hindi niya dapat ito malaman.Kailangan niyang magising.


"Gumising ka ka na Gab. I promise,I'm going to understand and respect your decision. I just want you to be okay. I want that feisty girl back."

Andrew.


May narinig ba siyang ibang mga boses pero hindi na niya iyon napakinggan ba dahil muli ay dinala siya ng kanyang isipan sa mga nangyari sa kanya noong nakilala niya si Andrew at ang iba pa nilang kagrupo.



For Drew,mas gumaan na ang kanyang pakiramdam nang matapos niyang sabihin kay Gabby ang nasa loob niya. Hindi man ito magrespond sa sinabi niya ay okay na rin. Hindi pala sa lahat ng oras ay pwede mong takbuhan at kimkimin kung ano man ang gusto mong sabihin. All you have to do is to face it kahit pa alam mong walang magiging kasagutan.


Naisip niyang mas mabuti nang malaman ni Gabby na andito pa rin siya kahit hindi maging sila. He'd rather see a fiesty Gabby than this Gabby na nasa harapan niya ngayon.

What feared him most was the thought of Gabby's sickness relating to his late mother. He might have not the correct information yet about Gabby's condition kaya naman ay naisipan niyang kausapin kung sino man ang doktor nito. he wanted to know kung gaano na ito kalala para maagapan agad.


He couldn't afford to lose her. He'd fear to lose another important person in his life. Kahit pa Gabby didn't love him,gusto pa rin niyang nasa tabi siya nito. Kahit ipagtabuyan man siya nito kapag nagising na ito,he'll still insist to stay with her.Even if she'll ask him to stay away from her,he'll still look after her even from afar .

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon