Chapter 17

6.1K 182 2
                                    

Buti na lang at walang masyadong mga estudyante na nakatambay sa hagdanan papuntang classroom nila nang ihatid siya ni Andrew.She was walking like he's not existing dahil dama niya ang lakas ng dating ng presensiya nito at hindi niya gusto ang tibok ng puso niya para rito.

Para tuloy gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina rito. Ano bang nakain niya't bigla na lang siyang nangialam sa buhay pambababae nito kanina?

Heol! She's so stupid! Nakagawa na siya ng decision na hindi na niya mababawi pa. Kung pwede lang iuntog ang ulo niya para maalog ang utak niya ay ginawa na niya iyon.

"You can just stop here." malamig niyang sabi rito saka nilingon niya ang nakasunod na binata.

"Are you sure?" tanong naman agad nito.

Narating na nila ang ibabaw ng hagdanan and ayaw din naman niyang makaagaw pa sila ng atensyon lalo pa't alam niyang makikita sila ng mga kaklase niya.

"Yeah. Pumunta ka na sa classroom mo." aniya saka tinalikuran na ito.

"Wait."pigil pa nito.

Napahinto siya saka nagtatakang nilingon ang binata.

"What?"

He seemed nervous and wanted to say something but then she raised her eyebrows to him.

"If you're expecting me to kiss you that won't happen,Andrew." pataray niyang saad.

Ngumisi ito sa kanya. "I'm not asking you for a kiss."diretsahang sabi pa nito.

Napahiya tuloy siya pero hindi siya nagbaba ng tingin. She won't give him the satisfaction of triumph dahil sa sinabi nito.

"Good.Buti nang nakakaliwanagan tayo." sabi pa niya at tinalikuran na niya ito.

"I'll see you later,girlfriend."

Narinig pa niyang pahabol nito and once again she juts ignored him.

Luckily,pagdating niya sa classroom nila ay wala ang prof nila. Pero nakita niyang busy ang mga kaklase niya kaya naman ay diri-diretso siya sa kanyang upuan.

"Gabby!" excited na bati agad sa kanya ni Leighton saka niyakap siya.

"Saan ka ba galing? Bakit di ka pumasok ng 3 days?" usisa agad nito sa kanya.

"Just somewhere." tipid niyang sagot rito.

Halatang na-offend si Leighton sa sinabi niya kaya natahimik ito at umayos ng upo.

Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit yun ang pinakita niya rito. Audrey and Leighton were so nice to her pero siya ay cold ang ipinapakita sa mga ito.

"Leigh...." tawag niya rito pero hindi ito lumingon.

Si Audrey ay tahimik lang din sa isang tabi at para bang naghihintay lang ng mga mangyayari.

"Damn it!" usal pa niya na ikinalingon ng mga kaklase nila.

Tumingin siya sa mga ito kaya naman ay nagbawi ang mga ito ng tingin.

"Leigh,I'm sorry. I didn't intend to..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng pinutol na ito ni Leighton.

"Yeah we get it,Gab. Hanggang ngayon you don't treat us as your friend." diretsong saad nito.

"It's not like that." maagap niyang tutol.

"Then what is it? Bakit ang cold mo pa rin sa amin? We were being nice to you naman ah? We wanted you to be our friend but then you? You obviously don't want to." may halong pagtatampo nito.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon