Chapter 18

5.8K 144 1
                                    

Hindi mapirmi si Gabby sa kanyang kinatatayuan kasi naman ay nagtatalo ang kalooban niya kung tatawagan ba niya o hindi ang kapatid na si Sapphire. She was thinking of asking her advise on what to wear to the ball.

Kung bakit pa kasi pumayag siya sa alok ni Andrew ayan tuloy at sising-sisi siya. She had been to a ball before sa high school pero balewala lang naman sa kanya yun. This ball was different dahil si James Andrew Zulueta lang naman ang kadate niya. One of the famous heartthrob and biggest playboy in the University.

She thought of dissing with him pero nakonsensya naman siya dahil sa masayang-masaya pa naman yung si Audrey at Leighton nang nalaman ng mga itong siya ang kadate ng binata.

And of course,siya man din ay may palabra de honor. Once she decided something ay talagang pananagutan niya iyon. Simula noong i-claim niyang girlfriend siya ni Andrew ay himalang di na nga ito nakikitang may kung sino-sinong ka-flirt.Mukhang tinutoo nga ng mokong na magiging faithful daw kuno ito sa kanya.Not that she's flattered but hindi niya naiwasang makaramdam ng kasiyahan kahit pa di niya talaga maintindihan ang kanyang sarili kung bakit.

Halos lagi rin itong nakabuntot sa kanya. Minsan pa ay sinusundo at hatid siya nito sa dorm. Kung hindi ito busy sa pag-aaral at sa basketball ay sinasamahan siya nito sa library o dili kaya'y sa practice niya sa taekwondo.

Yes. She began practicing in taekwondo already mga pangatlong araw niya na yata kahapon. Madali naman niyang nakasundo ang mga miyembro lalo na si Keera who happened to be her senior.

And siyempre ay nandoon din si Tyrone kaya naman ay naging palagay na rin ang loob niya. And speaking of Tyrone,he's been acting weird to her lately. Napapansin niyang madalas na itong nakatitig sa kanya kapag magkasama sila. Kaya naman ay hindi niya maiwasang mailang rito. Good thing lantarang nakikipag-flirt si Andrew sa kanya kaya naman imbes na dibdibin ang mga ikinikilos ni Tyrone ay pinagtuunan niya na lang ng pansin si Andrew.

"Hey sis,napatawag ka?" bungad agad sa kanya ni Sapphire nang sa wakas ay napagdesisyunan niyang tawagan ito.

"Saph..I need clothes." aniya.

"Clothes? Bakit di ka ba nagpalaba?"

"I mean gown.See? We have this ball tonight and wala pa akong susuotin." nahihiyang sabi niya.

Honestly,she's been to balls like noong highschool siya pero ngayon lang ata siya namroblema ng todo dahil college and of course kahit ayaw man niyang aminin sa sarili na gusto niyang presentable din siya bilang ka-date mamaya ni Andrew.

Hello? It's James Andrew Zulueta kaya ang partner niya so expected na dapat malampasan niya yung expectations ng mga babaeng nagkakandarapa rito especially that guy na gusto pa yata siyang gawing trophy mamaya.

"Wow! This is the first time that you are asking for my advise little sis." tudyo nito. "You've got a date,am I right?

Imbes na patulan ang panunudyo nito ay nagsalita na lang siya ulit.

"I need to go shopping and sunduin mo ako rito. Now na. Bye." aniya saka pinutol agad ang tawag.

She knew na walang schedule ngayon ang kapatid niya kaya naman malakas ang loob niyang gawin iyon.

Somehow she's worried na baka wala siyang mapiling gown dahil mukhang ubos na ang oras niya. Jezzzz the ball will start at 6 in the evening pero ano na ngayon? 3 in the afternoon na. FAK!


Sinundo nga siya ng kapatid niya sa dorm saka pinag-drive na niya ito papuntang mall.

"Eh bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi? My gosh,Gab wala ng oras." ani Sapphire habang nasa loob na sila ng sasakyan.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon