Chapter 15

6K 166 0
                                    

Ikatatlong araw na ngayon na hindi siya pumapasok sa school. Buti na lang at hinayaan siya ng kapatid niyang si Sapphire na tumambay muna sa apartment nito.

"Papa won't be happy if malaman niyang andito ka sa apartment ko at hindi ka pumapasok sa school." wika ni Sapphire sa kanya.

Napangiti siya ng sulyapan niya ito sa desk nito. Gumagawa kasi ito ng assignment. Good student and good daughter eh.

Siya naman ay nakapangalumbaba lang habang nakadungaw sa bintana ng kwarto nito. Tanaw mula roon ang mga naggagandahang city lights.

"Papa won't mind. And besides since when did he paid attention to my studies?" hindi na niya napigilan ang bitterness sa boses niya.

"Until now yan pa rin ba ang nasa isip mo,Gab? You know that he loves you."

Nilingon niya ang kapatid ulit saka tumawa siya ng mapakla.

"Yeah right." pa-sarkastiko niyang sabi.

"Look,Gab,I know hanggang ngayon ay tingin mo pa rin unfair si Papa sayo. It's not true little sis. Our parents loves you just like they love me. Katunayan pa nga mas mahal ka nila kaysa sa akin."

"Seriously,Sapphire?" pagalit niyang turan sa kapatid.

Sapphire stood from her desk at naupo sa tabi niya. Malungkot itong dumungaw sa bintana gaya ng ginagawa niya.

"I am envious of you,Gab kasi mas iniingatan ka nila Mama at Papa kaysa sa akin. "

Bigla siyang napatingin rito. What was she talking about? Sapphire was envious of her? For what?

"Noon ay hindi ko maintindihan kong bakit madali kina Papa at Mama na malayo ako at ipadala ako rito. Pakiramdam ko ay ayaw nila sa akin at hindi nila ako mahal kasi lagi silang tutok sayo. Konting galaw mo lang natataranta na sila. Palagi silang nag-aalala sayo sa tuwing pumapasok ka sa school o dili kaya'y may ginagawa kang something na para sa kanila ay makakasakit sayo. Kaya naman ay nagsikap akong maging mabuting anak,nag-aral akong mabuti,topped my class at sinunod ko lahat ng gusto nila because I want to prove something to them. Na ,hey Mama,Papa andito rin ako.."

Nagsimula ng gumaralgal ang boses ng kapatid niya. Tuloy ay parang may tumusok na aspili sa kanyang puso sa nakitang lungkot sa mukha nito.

God! She hated her sister but she's confessing her envious to her? Like seriously?

"There was this one time that I'd wished na ako na lang ang may sakit. Na ako na lang ang may mahinang puso para naman ma-shelter ako nina Mama at Papa gaya mo." ani Sapphire.

"But...I thought they don't love me,Saph..." malungkot rin niyang sabi.

Kaya naman ay inakbayan siya gn kapatid at hinarap.

"They love you little sis. They just don't know how to handle that kind of love. You may see it as a tough kind of love pero ang totoo sobra ang pagmamahal nina Papa at Mama sayo. When I was still in our house,kapag wala ka ay para ng nababaliw si Papa at kung sino-sino na lang ang bodyguard na pinapabantay sayo. But you didn't know. Mama used to cry every day na umaalis ka ng bahay ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila. And you didn't have any idea kung paano ang lungkot at pagkabalisa nina Mama at Papa sa tuwing inaatake ka ng sakit mo. They were hurt,Gab.They were devastated too. Mahal na mahal ka nila,Gab."

"Pe-pero pinatapon ako ni Papa dito. Yung mga school activities ko,yung pagsali ko sa larong tanging gusto ko,wala akong nakitang support mula sa kanila."

Umiling ang kapatid niya na para bang kinokontra ang sinabi niya.

"They did. They never missed a single thing with all you school activities. You may not see them because they liked watching you from a far. Hindi kaya nina Mama at Papa na makitang nakipaglaban ka ng ganun sa sport na yun. But they were always secretly supporting you,Gab. They were in fact so proud of you na despite sa kahinaan mo ay nakamit mo pa rin ang gusto mo."

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon