Chapter 30

6.5K 175 4
                                    

"I miss you,angel.."bulalas ni Andrew nang nasa loob na sila ng sasakyan nito.


Agad na lumukso ang kanyang puso sa narinig. Napasulyap siya sa gwapong mukha ng binata saka nagpigil na mapangiti.


"I missed you too.." mahinang sambit niya.


Pagkasambit niyon ay sumilay ang ngiti sa labi ni Andrew saka kinuha ang kanyang kamay at saka hinalikan iyon. Napakislot siya ng maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang balat.


"Where do you want to go?" biglang tanong nito saka pinakatitigan siya.


"Anywhere,Andrew." I just want to be with you!


Sandaling binitawan ni Andrew ang kanyang kamay saka pinaandar ang sasakyan nito. Nang nakaalis na sila sa parking lot ng school at binaybay na nila ang kalsada ay kinuha muli nito ang kanyang kamay saka nanatili itong hinawakan iyon.


She doesn't know where they are going but ipinapaubaya na niya iyon kay Drew. Gusto niyang makasama ang binata at bumawi rito. Wala pa mang linaw kung ano talaga silang dalawa pero isa lang ang sure siya. They both feel the same way. Mahal nila ang isa't-isa. No words needed para malaman iyon.Actions speaks louder than words ika-nga.


She was so mesmerize by the scenery.The place is somewhat secluded from the town at medyo malayo ito sa school nila. It's like a park yet nobody discovered but only Andrew.


"How did you find this place?" nilingon niya si Andrew na nakatanaw lang sa malayo.


Kanina pa lang paglabas sa sasakyan ay todo alalay na ito sa kanya na para bang siyang isang babasaging crystal hanggang sa narating nila ang lugar na kinatatayuan nila ngayon.


"I just found out the place recently,Gab." si Drew na nakangiti na sa kanya ng lingunin siya nito.


Every time he looks at her that way,her heart couldn't help but skip a beat. Ganito lagi ang epekto ni Andrew sa kanya.


"This place is beyond amazing,Andrew." she meant what she said.


First time niyang makakita ng ganito kagandang lugar.


Mas lalo pa itong gumanda sa paningin niya dahil sa kasama niya ang binata. For her it was kinda romantic. It's unplanned yet she felt so excited about it.


"Thank you for bringing me here,Andrew. First time kong makakita ng ganito kagandang tanawin. I mean,who would've thought that there's a place like this. Too bad it's undiscovered yet." wika niya.


"I don't want anybody to touch this place,angel. For me,this is my haven. Our haven.Our paradise." mataman nitong tugon sa kanya.


Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang mga titig ng binata sa kanya. Para siyang natutunaw sa kanyang kinatatayuan ngayon. her knees were getting weak each time their eye's met.


She wondering if this is the right time that she's also going to let him know that she's feeling the same way for him. Her heart is telling her to say so but she's kind of hesitant and shy at the same time. Bago sa kanya lahat ng ito at hindi siya sanay sa ganito especially in a romantic way.


"Andrew.."


"Gab.."


Nagkahiyaan pa sila ng sabay nilang bigkasin ang pangalan ng bawat isa.


Awkward.


"I-ikaw na ang mauna.." nahihiya niyang saad rito.


"No. Ladies,first,angel. Do you want to say something to me?" si Andrew.


Napatango siya sa wika ni Andrew. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Honestly,she's getting cold feet right now.


Para bang may bikig sa kanyang lalamunan at hindi magawang lumabas ng mga salitang gusto niyang sabihin rito.


"Angel?" untag pa ng binata sa kanya. "Are you okay?" napaangat siya ng tingin rito ng hawakan nito ang kanyang kamay. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.


"An-Andrew,gusto ko lang sanang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. I mean,I haven't got the chance to personally thank you for all your time and effort noong nasa hospital ako."


Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Ramdam niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya. He then brought her hand to his lips that's why nagulat siyang talaga. Para siyang napapaso sa dampi ng labi nito sa balat niya. She was totally feeling the heat rushing into her cheeks.


"All for you,angel. Basta ikaw. I'll do everything for you." he sincerely told her.


Her heart was like dancing in the cloud nine when he said that. It was so sweet to her ears.


"Thank you..." tanging lumabas na lang sa bibig niya. She ran out of words to say because she was so overwhelmed by the feeling.


"Can I hug you?" huli na para bawiin niya iyong sinabi niya.


Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Andrew pero agad naman iyong napalitan ng ngiti sa labi nito.


"Sure..." sabi pa nito.


Hindi na niya nagawa pang tumutol ng ito na mismo ang humila saka yumakap sa kanya. She felt so safe in his arms. Napapikit siya ng masamyo ang mabangong amoy nito. Tanging mga tibok lang ng puso nilang dalawa ang naririnig niya.


Ilang minuto din silang nanatili sa ganoong posisyon ni Andrew. Kung siya ang masusunod ay gusto na lang niyang manatili sa bisig ng binata.


"I love you,Gab." rinig niyang usal ni Andrew na siyang nagpaliyo lalo sa kanyang puso.


"I-I love you too,Andrew..." ganting wika niya.


And that was the start of their happy times together.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon