Kabanata 1
Have you ever felt like none of what you do seems enough for your family?
Iyong sa isandaang bilang ng exam, kahit na siyam napu't siyam ang tama mo ay iyong isang mali pa rin ang binibilang?
O kaya ay kahit na halos gusto mo nang magpakamatay dahil sa pressure na nararamdaman mo sa kursong ayaw mo naman talagang kunin, nagiging bulag sila sa nararamdaman mo basta uno ang gradong ipinakikita mo?
Sometimes I regret being an achiever. I feel like I've set the bar too high for myself. Pero kung hindi naman ako magpapakitang-gilas, hindi naman ako mapapansin sa pamilya. There is no in between. It's either I'll kill myself for keeping up with my family's expectation or I'd let them push me around and treat me like a failure.
"You need to get to that law school no matter what, Steph. H'wag mong sayangin ang pagtatrabaho namin ng Mama mo sa ibang bansa para lang magkaroon ka ng magandang buhay," bungad ni Papa nang makaupo ako sa silya. Kararating lang nila galing ng Hongkong pero wala man lang kumusta muna. Here they are, taking out the stuff they bought for me so I could study properly.
Hind ko masasabing may kaya kami dahil hindi naman din kalakihan ang sahod nila. Isa pa ay lima kaming magkakapatid na nag-aaral at nasa poder ni lola. When lola receives their remittance, kakarampot na lang ang umaabot sa aming magkakapatid.
We can't tell my parents or else lola will surely make our lives a living hell. At sa pamilyang Filipino, oras na lumaban ka sa mas nakatatanda ay wala ka nang modo.
I took in a silent breath. Kailan kaya nila tatanungin kung anong kurso ba talaga ang gusto kong kunin? Will they laugh at me if they will find out that up until now, I still don't know what I want to be? Makikita pa kaya nila na ayaw ko naman talagang bugbugin ang sarili ko habambuhay sa mga kasong kailangang ipaglaban?
"Opo," ang tanging naisagot ko. I have to be a good girl in front of my family. Kasi kapag ate, dapat nagsi-set ng magandang example sa mga nakababatang kapatid. Kapag ate, bawal kang sumagot, magreklamo at magkamali.
I regret being a first born, and I regret being part of the Madrigals. Pero sino ba ako para magreklamo, hindi ba?
"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" my mother asked while she and my lola are busy arranging every 'pasalubong' that our relatives will come here for later. Dapat lahat may sabon. Dapat lahat may tsokolate at kape. Kasi kung wala ay pariringgan nila sina Mama sa Facebook.
"Medyo... nahihirapan lang ngayong sem, Ma."
My lola looked at me with sharper eyes as if warning me. "Nahihirapan ka pa eh binibigay na nga lahat ng kailangan mo sa eskwela? Si Kylie nga walang computer. Bakit iyong pinsan mong si Boyet? Nakatapos naman bilang nurse kahit singkwenta lang ang baon at walang gaanong chechebureche sa buhay?"
There she goes again with her comparison. Kailan ba niya maiintindihang hindi kami pareho ni Boyet ng utak? Na kung si Boyet talagang bata pa lang ay gusto nang maging nurse, ako ay hindi ko naman pangarap maging abogado?
I am doing this for my parents. Para may puntahan ang mga pinaghirapan nila. It feels like I am only borrowing someone's dream, kasi kung maging abogado na ako, ipagmamalaki na ako ng pamilya.
Maybe that's my dream after all. To be accepted and celebrated by my family.
"Stefano, iyang anak mo pagsabihan mo at napapadalas ang pag-uwi ng late," sumbong ni lola.
Tumingin sa akin si Papa, iba na kaagad ang ekspresyon na akala mo ay nagbubulakbol ako. Hindi ba pwedeng nagpapalamig lang ako ng ulo bago ako umuwi dahil pagdating dito sa bahay ay hindi naman ako makahinga?
BINABASA MO ANG
MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceShe wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after fa...