Kabanata 5
"Ma, kumusta ka na diyan?" tanong ko kay Mama habang kausap ko siya sa phone. She looks exhausted and sleepless, yet she still managed to give me a small motherly smile.
"Kinakaya naman, anak. Dalawa na ang trabaho ko rito. Nakahanap ako ng isang mapapasukan kaya kahit paano ay madadagdagan ang kita. Nabibili ba lahat ng gamot ng Papa mo? Kumakain ba kayong lahat nang maayos, Steph?"
I nodded while holding back my tears. Siya na ang nagpapakapagod pero mas naiisip niya pa rin ang kalagayan namin dito.
"Okay lang po kami, Mama. Ah, Ma? Huwag mo nang problemahin ang tuition ko kapag nag-enroll ako. Hahanap ako ng trabaho para may panggastos ako--"
"Si Lorena ba 'yan?" tanong ni tita Ningning nang makita ako sa balkonahe.
I swallowed before I nodded. "O--Opo."
"Ay pakausap, Steph. Dali. Chat ako nang chat hindi ata nakikita ang message ko."
Hindi pa ako um-oo ay kinuha na ni tita Ningning ang cellphone ko saka malaki ang ngising ngumiti na akala mo naman ay hindi niya ako pinagsalitaan ng kung anu-ano noong graduation ni Kylie.
"Naku, Lorena! Hipag, kumusta ka naman diyan? Paganda ka yata nang paganda, ah?" bola niya kay Mama.
I heard Mom disagreeing but tita Ningning continued. Ako na lang ang nahihiya sa kaplastikan niya sa Mama ko.
"Ay oo, huwag kang mag-alala sa mga anak mo dahil alagang-alaga naman sila. Mabunganga lang si Mama pero hindi niya naman pinababayaan. Lagi rin naman kaming nakabantay sa mga pamangkin namin. Ay, Lorena, pinapatanong ni Mama kung baka naman daw pwedeng makapagpadala ka sa susunod na Linggo? Birthday kasi ng bunso ko, eh alam mo naman si Mama gusto no'n nahahandaan ang mga apo."
"T--Tita Ningning, kapapadala lang po ni Mama noong nakaraan. Mag-isa lang niyang kumakayod ngayon sa Hongkong," sabat ko.
Inilayo ni tita Ningning ang cellphone sa mukha niya saka niya ako pinanlakihan ng mga mata. Umiwas naman ako ng tingin at humugot na lang ng hininga. Nang mapatingin ako sa kwarto ni Papa, napansin kong nakatanaw siya sa amin ni tita Ningning.
"Baka naman magagawaan ng paraan? Ibinili kasi namin ng bagong cellphone ni Rowena ko 'yong sobra sa ipinadala mo. Eh, pumayag din kasi si kuya kasi nga 'di ba pinangakuan niya na 'yong bata na siya ang sasagot ng pang-aral? Kailangan din kasi ngayon sa pag-aaral ang cellphone."
I chewed my bottom lip. Ako nga nagtyatyaga sa cellphone na binili ni Papa sa Hongkong noon. Kahit tatlong taon na sa akin, ingat na ingat ako tapos si Rowena, pinasalubungan nina Papa last year ng cellphone, ngayon nagpalit na naman.
Hindi ba sila naaawa sa Mama ko? Halos lahat na nga ng bills dito sa bahay, si Mama na ang sumasagot. Hindi naman milyonaryo ang mga magulang ko. Hindi naman porke't nag-abroad ay mayaman na. Hindi rin kada hingi nila ay may maiaabot si Mama.
Hindi na kami nakapagpundar ng bahay dahil iyong kita na dapat ay iipunin nina Mama at Papa, napupunta na sa mga kamag-anak namin sa side ni Papa. Palibhasa kasi ulila na ang Mama ko kaya wala kaming ibang pupuntahan. Kung sana buhay pa si Lola Dolor, baka hindi ganito ang kalagayan namin. Bakit iyong mababait ang kinukuha kaagad ng Diyos?
"Sus, ikaw pa, Lorena mauubusan? Ang ganda-ganda ng buhay diyan sa Hongkong." Napansin ko ang pag-irap ni tita Ningning. "Kung hindi lang naman na-stroke si kuya, hindi naman ako hihingi sayo."
Naiyuko ko ang ulo ko nang madama ang matalim na titig ni tita Ningning. Siguro pumayag na lang din ang Mama na magpadala kahit wala na siyang pera dahil alam niyang ako na naman ang pag-iinitan kung sakaling hindi siya pumayag.
BINABASA MO ANG
MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceShe wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after fa...