Kabanata 7
"Pumapayat ka na," puna ni Kylie sa akin nang maabutan akong nagsisipilyo sa kusina.
Nagmumog ako at ibinalik ang toothbrush sa lagayan. "Nakakapagod lang kasi sa trabaho tapos laging nakatayo."
I got a job at a fastfood chain near the school. Bago ang tutorial session namin ni Dean Chen ay dumidiretso muna ako sa coffee shop para magtrabaho bilang part-time waitress. Gusto kong mabawasan ang sagutin ni Mama kaya habang may isang buwan pa para makapag-ipon ay tinatrabaho ko na.
Naging makahulugan ang ngisi ni Kylie. "Akala ko sa iba ka napapagod."
Uminit ang pisngi ko nang maintindihan ang gusto niyang iparating. Pinalo ko siya ng tuwalya sa tagiliran saka ako pabirong umirap. Humagikgik naman siya saka na binuksan ang mga nakatakip sa lamesa.
"Anong oras ang pasok mo?" tanong ko.
She was hired as an admin staff at a mental clinic. Tinanggap na rin niya dahil malaki-laki na ang offer para sa isang fresh graduate. She even offered to share some of her salary to me so I can pay my tuition. Hindi nga lang namin pwedeng sabihin kina Lola dahil siguradong magbubunganga na naman sila.
"Alas nuebe. Ikaw?"
Sumandal ako sandali sa lababo at tinuyo ng tuwalya ang buhok ko. "Alas otso hanggang alas singko."
Her brows furrowed. "Eh, paano pa kayo nakakapag-review?"
"Pagtapos na ng part time ko sa coffee shop. Two to three hours lang naman ako ro'n. Kapag peak hours lang."
Tumaas ang kilay ni Kylie. "So nag-s-stay kayo sa university hanggang dis oras ng gabi?"
"Uh-huh." Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Huwag mo kong tingnan nang ganyan."
She pursed her lips and prevented herself from bursting into laugh. Nang pumasok si tita Ningning sa kusina ay nagawa pang magpatimpla ng kape sa akin. Umikot tuloy ang mga mata ni Kylie.
"Kung ako 'yon, nilagyan ko ng asin," aniya nang makaalis si Tita Ningning. Palibhasa ay matagal na siyang sinasabihan ni Tita Ningning ng pokpok magmula noong siya ang kinuha bilang muse ng purok namin at hindi si Rowena.
"Pabayaan mo na," sagot ko bago na sumenyas na magbibihis na.
I wore my white shirt and checked Papa before I left. Kahit na hanggang ngayon ay hindi niya ako kinikibo, humahalik pa rin ako sa pisngi niya bago ako umaalis. Me seeing him every morning motivates me to strive harder in proving myself. Kaya kahit minsan ay nakakapagod ang dala-dalawa ang trabaho, lumalakas ang loob ko.
My normal day went by. Noong oras na para sa review session ko, naisipan kong ilibre si Dean Chen ng Jollibee. Dumaan ako sa pinagtatrabahuhan kong fastfood at bumili ng pagkain namin saka ako nagtungo sa opisina niya sa College of Law.
Dean was on the phone when I got it. Parang stress na stress siya dahil sa kausap, at nang maramdaman ang pagpasok ko, bumuntong hininga siya saka na nagpaalam sa kausap sa phone.
"How's work?" he asked. He always does. Mula noong nalaman niyang nagtatrabaho na ako, iyon na ang palagi niyang bungad kapag dumarating ako sa opisina niya.
"Nakakapagod, pero may tips ngayon." I removed my backpack and went to his table. "Libre ko."
He stared at the food on his desk then looked at me. "I uh... don't really eat fastfood."
Napawi ang kurba sa aking mga labi. "Gano'n ba? Uh, sige iuuwi ko na lang pala--"
"Did you buy it because you wanna have dinner with me?"
BINABASA MO ANG
MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceShe wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after fa...