Kabanata 3
Abala akong maghugas ng pinggan nang madinig kong kausap ng mga kapatid ko si Papa at Mama sa laptop ni Steffy, ang kapatid kong sumunod sa akin. Tatlong taon ang agwat ko sa kanya, at siya ang malapit kay Lola, medyo hindi kami magkasundong dalawa.
"Hi, Ma! Hi, Pa!" She waved at the screen. Ganoon din naman ang iba kong nakababatang kapatid.
They looked happy to talk to our parents. Lahat sila ay nakipagkwentuhan, ngunit noong sumilip ako sa screen, napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Papa.
Hindi ko na lang ipinahalata na napansin ko iyon. I still did my best to smile at them, waiting for Papa to at least say hi to me, pero puro ang mga kapatid ko lang ang tinatanong niya. I was like a ghost, an excluded member of the family who's trying so hard to squeeze myself in, at ang sakit-sakit na ganoon ang trato ni Papa sa akin dahil nag-fail ako.
"Kausapin ko sandali ate Steph ninyo," sa wakas ay sabi ni Papa.
Nabuhayan ako ng loob at maaliwalas ang mukha akong naupo sa pwesto ni Steffy. I felt her glare. Hindi ko na lamang pinansin at baka kung sitahin ko habang online kami ay ako na naman ang pagalitan at sabihang mapagpatol sa kapatid.
"Hi, Pa--"
"Ano na naman ba 'yong sinumbong ng Lola mo na panay ang labas mo kahit wala namang klase?"
Napawi ang kurba sa labi ko pati ang excitement ko. Gusto ko lang naman silang kumustahin muna. Pwede naman nila akong pagalitan mamaya kapag natanong ko na kung kumakain ba sila nang maayos o kung masyado ba silang nagpapagod sa trabaho. Bakit kailangang iyon kaagad ang bungad?
I inhaled a silent breath. "Naghahanda lang po ako, Pa kasi 'di ba sabi mo po mag-eenroll ako ulit sa susunod na sem?"
Nagkatinginan sila ni Mama. Doon pa lang ay alam ko nang may nagbago sa plano.
"Steph, 'nak, ano kasi..." My mom paused and let Papa talk.
"Nagkausap-usap kami ng mga tita at lola mo. Mas maganda muna kung hindi ka mag-enroll. Patapusin muna natin sina Steffy at Rowena."
My chest tightened. "S--Si... Rowena, Papa?" I swallowed the lump forming in my throat. "P--Pero, Pa, nandiyan naman sina Tita Ningning para magpaaral sa kanya. A--Aayusin ko naman, ho--"
"Hindi sapat ang kita ng asawa ni ate Ning. Masama ang magdamot lalo kung matalino naman 'yon at siguradong magtatapos."
I ran out of words. Para akong tinadyakan sa dibdib dahil sa huling sinabi ni Papa. Bakit? Palibhasa bumagsak ako, lahat na ba ng magiging subok ko ay papalpak din? Ganoon ba talaga ako kahirap bigyan ng chance?
My fists balled. Dahil hindi na talaga maganda ang mental health ko, ang bilis-bilis namuo ang mga luha ko.
"Anong iniiyak mo, Steph? Binigyan kita ng pagkakataong mag-aral, hindi mo inayos. Ngayong ibibigay ko sa iba ang pagkakataon, iiyak ka na parang ikaw ang naagrabyado--"
"Ganyan naman kayo, Pa eh! Bakit kapag si Steffy ang hindi naka-perfect ng test, ayos lang! Mga kapatid ko at pinsan ko, kung kumustahin ninyo, sobrang sweet niyo pa samantalang ako kahit isang hi lang, kung hindi ako mag-cha-chat, hindi ko kayo makakausap!"
"Dahil malaki ka na! Naririnig mo ba ang sarili mo? Malaki ka na! Kaya mo na ang sarili mo at alam mo na dapat kung ano ang tama sa mali! Alam mo kung kailan dapat itinitikom 'yang lintik na bibig na 'yan! Lumalaki kang bastos! Tama nga ang Lola mo. Nagpapalaki ako ng walang modo--"
"P--Pa?"
Napawi ang galit ko nang makita ko kung papaanong nanikip ang dibdib ni Papa. Nag-panic na si Mama at hindi alam kung paano siya tutulungan. Nag-iyakan naman kaming magkakapatid, at nang patayin ni Mama ang video call para hindi namin makita ang nangyayari kay Papa, sinampal ako ni Steffy.
"Kasalanan mo 'to, ate! Kapag may nangyaring masama kay Papa, hindi kita mapapatawad!"
I sobbed and looked at my other siblings who are staring at me as if I killed our Dad. Hindi ko naman iyon sinasadya. Nawalan lang ako ng kontrol sa sarili dahil sobrang bigat na ng dibdib ko.
Pumasok si Kylie ng bahay. Nang masabi sa kanya ni Steffy ang nangyari ay inakay niya ako sa kwarto bago pa makapagsumbong si Steffy kay Lola. Pinakalma ako ni Kylie, ngunit nang sugurin ako ni Lola, wala na rin siyang nagawa nang pagsasampalin ang pisngi ko saka ako sinabihang oras na may mangyaring masama sa kanila ni Papa, kasalanan ko.
They blamed me and my inability to graduate on time for what's happening. Noong naiuwi si Papa sa Pilipinas, lalong naging masama ang tingin sa akin ng lahat maliban kay Kylie. Kung paringgan nila ako na wala na nga akong utang na loob, wala pa akong modo, akala mo ay hindi ko sila kamag-anak. Kung purihin nila ako noon at sabihang ako ang pinakamabait na apo ni Lola dahil first honor ako palagi noong elementary at high school ay ganoon na lang, tapos ngayon akala mo ay wala na akong nagawang mabuti.
"Ako na lang ang magpapakain kay Papa," sabi ko kay Steffy saka ako pumasok sa kwarto ni Papa. Nabaldado ang kalahati ng katawan niya dahil sa stroke kaya hirap siyang magsalita. Ayaw niya rin akong nakikita dahil gaya nina Lola, sinisisi niya rin sa nangyari sa pag-aaral ko kaya siya nawalan ng kabuhayan. Kaya mag-isa ngayon si Mama sa Hongkong at sinusubukang suportahan ang buo naming pamilya.
I tried my best to hold back my tears when I sat next to him. Kumutsara ako ng pagkain saka ko nilapit sa kanyang bibig, ngunit hinawi niya ang pagkain gamit ang aktibo niya pang kamay. Nang itulak niya ako at napaupo ako sa sahig, tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
I sobbed and stared at my father while my fists are clenching. "Kapag... kapag nakatapos ba ako bilang... bilang abogado, Pa... mamahalin mo na ako ulit? Mapapatawad mo na ba ako?" My shoulders quaked. "Kapag nagmartsa na ang... ang panganay mo... t--titignan mo na ba ulit ako nang... nang may pagmamahal?" Nabasag nang tuluyan ang tinig ko at ang mga luha ko ay bumuhos nang husto. "Iyon ba ang kailangan, Pa? Iyon ba... iyon ba ang tanging bersyon ko na m--matatanggap mo at ipag... ipagmamalaki bilang anak?"
Nakita ko ang paggulong ng luha pababa ng kanyang pisngi, ngunit nanatili siyang nakatanaw sa labas at hindi ako nililingon. Siguro oo ang sagot, hindi niya lamang masabi sa akin dahil umiiyak na ako.
I pulled myself up and flashed a broken smile. "M--Magiging abogado ang S--Stephanie mo, P--Papa. Maipagmamalaki m--mo rin po ako..."
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya at tumakbo sa silid ko. I sat on the floor after shutting the door, my sobs were trapped in my throat as I made up my mind.
Hindi ko 'to pangarap, pero kung ito ang kailangan para matanggap ako, mapatawad at mahalin ulit ni Papa, gagawin ko ang lahat para makapagtapos bilang abogado.
My fists clenched as I stared blankly on the wall.
Ano man ang kailangan kong gawin, sino man ang kailangan kong gamitin para maabot ang pangarap niya para sa akin, I'll do everything with no remorse. Pinapangako ko iyan.
Pinunasan ko ang aking mga luha saka ko kinuha ang cellphone ko. I looked up Dean Chen's email and typed a reply with my lips pursing hardly together.
To Dean Coal Henry E. Navales,
I'm accepting the offer.
It didn't take long before I received his reply, and when I've read his message, I swallowed all the inhibitions left in my heart.
To Miss Madrigal,
Meet me in my office at eight in the morning tomorrow.
My eyes shut as I rested my head on the door. If he's my only ticket for me to achieve this borrowed dream, then I'll be the baddest girl Dean Chen will never be able to resist no matter what.
By hook or by crook, I'll graduate.
Kahit manggamit pa ako ng lalake...
BINABASA MO ANG
MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceShe wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after fa...