Kabanata 6
Wala man lang akong mabakas na reaksyon kay Steffy habang sinasabi ng doktor na nakunan siya. She didn't even shed a single tear while I'm here, standing on the side of her bed, balling my eyes out for what happened.
Nang iwan kami ng doktor ay hinawakan ko ang kamay niya ngunit pabalang niyang binawi na para bang hindi niya ako ate.
"Ano bang iniiyak-iyak mo diyan, ate Steph? Parang ikaw pa ang nakunan."
Hindi ako nakakibo. Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala na sinabi niya iyon.
"Bakit ako umiiyak? Steffy, you had a miscarriage! You're only seventeen!"
Iniwas niya ang tingin sa akin. "Ano ngayon? Hindi lang ikaw ang masamang anak."
Parang napitik ang pasensya ko. "Masamang anak? Sinadya ko bang bumagsak ako? Na magkandaletse-letse ang mental health ko para hindi ako makatapos?"
"Hindi ba totoo naman? Sinadya mo naman talaga kasi ayaw mo naman talagang maging abogado! Oh, sinadya ko rin 'to dahil late ko na nalamang may ka-live in ang boyfriend ko. Okay na ba? Alam mo, huwag ka ngang magpanggap na ang galing-galing mong kapatid? Sa lahat na lang talaga ng tao gusto mong ikaw ang nakakakuha ng atensyon."
Kumuyom na nang tuluyan ang mga kamao ko. Gusto ko siyang sampalin! Gusto ko siyang ingudngod! Gusto ko siyang mura-murahin, pero kapatid ko pa rin siya at hindi ko siya kayang pagbuhatan ng kamay.
I drew in a sharp breath as I shove my tears. "You think I'm faking my care for you?"
"Bakit, hindi ba? Kaya h'wag ka nang magpanggap, ate. Dati, idol na idol kita pero noong nag-abroad sina Papa at Mama tapos sinabi mo na kung ikaw lang ang naging anak, hindi na sana sila lalayo, na-realize kong mali ako ng taong tinitingala. Selfish ka at wala ka nang ibang inisip kun'di 'yang sarili mo, pero sino ba ang may kasalanan bakit na-stroke si Papa? Kung bakit naghanap ako ng kalinga sa boyfriend ng iba?"
My tears trailed down my cheeks as I pointed her. "Huwag mong isisi sa'kin kung nagkalaman man 'yang tiyan mo, dahil in the first place, hindi ako ang bumukaka sa harap ng peste mong boyfriend! Nasabi ko 'yon noon dahil ilang taon lang ako at sanay akong palaging nasa tabi sina Mama at Papa! Ngayon kung tingin mo hindi ako naging mabuting ate sayo dahil sa sinabi ko noong mga bata pa tayo, fine. Huwag mo kong ituring na kapatid, pero huwag na huwag mong isisisi sa'king nabuntis ka dahil ikaw ang may gusto niyan. Hindi porke't pumalpak ako ng isang beses sa buhay ko, pwede mo nang isisi sa akin ang lahat ng pwede mong isisi. Manang-mana ka kay Lola!"
Luhaan akong nagmartsa palabas, ngunit nang makaalis ng ER, para ring nanlambot ang mga tuhod. Napakapit ako sa railing at tuluyang napaupo sa semento habang humahagulgol. I'm a bad sister. How could I speak that way? Ako ang ate, bakit ako nagsalita nang gano'n? Kailangan ako ni Steffy ngayon pero bakit ako pumatol?
I felt someone pulling me up. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko, nakilala ko si Dean Chen. Inakay niya ako hanggang sa nakaupo kami sa pinakamalapit na waiting area, at nang makaupo kami ay inilabas niya ang panyo niya.
I sobbed. "B--Bakit nandito ka pa, D--Dean?" tanong ko, hindi siya magawang tignan.
He sighed. "I'm worried that you might need to pay something. You mentioned earlier that you can't afford to pay for coffee because you only have your fare money." Tumingin siya sa akin. "Why are you letting your sister talk that way? Mas matanda ka sa kanya."
Napabaling ako kay Dean Chen. "N--Narinig mo?"
He nodded. "I was talking to one of the nurses when we overheard your conversation." Isinangkal niya ang mga siko niya sa magkabilang hita saka ipinagsalikop ang mga palad. "How will you be an effective lawyer when you can't even defend yourself?"
Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan habang pigil ang luha kong tinitigan ang asul na panyo. "H--Hindi ko naman talaga... pangarap maging abogado."
Kumunot ang noo niya. "Then why are you planning to be one?"
I sniffed. "Kasi pangarap 'yon ng Papa ko para sa'kin. Dati kasi, gusto niya maging lawyer kasi si lolo, na-hit n run tapos pinabayaran lang ni lola dahil wala silang pambayad ng abogado. 'Yon din kasi ang sabi ng public attorney. Makipag-areglo na lang. Kaya lang wala ring pera sila Papa noon para makapag-aral siya kaya ako na lang ang magiging lawyer." Basag akong ngumiti habang kumikislap ang luha sa aking mga mata. "N--Ngayon, na-stroke si Papa dahil napasama ko ang loob niya." My voice cracked. "Kaya sabi ko, magiging... magiging abogado ako... para matanggap niya ako ulit..."
Humugot siya ng malalim na hininga saka niya hinagod ang likod ko sa alanganing paraan. "Then it's gonna take a lot for you to reach that dream if it's not even yours in the first place. Just like other professions, you have to have that burning desire to be a lawyer for you to survive in this field, Stephanie. Hindi pwede ang mahina ang loob. Hindi lang tagisan ng talino ang papasukin mo. You have to be emotionally smart as well."
Nagpunas ako ng luha. "Then that means I still have a long way to go."
Hinimas niya ang kanyang batok saka tila nag-isip. "Ito lang ba talaga ang paraan para makabawi ka sa Papa mo? Don't you think that he will never be proud of you if you will succeed in your own way?"
I forced a smile. "Paano ko naman gagawing proud ang Papa ko sa akin gamit ang isang bagay na hindi ko pa naman alam, Dean?" Gumulong ang aking luha pababa ng aking pisngi. "College na ako. Fourth year. Pero parang hindi ko pa rin alam kung ano ba talagang balak ko sa buhay ko. I feel so lost, at kung hindi ko iti-take ang path na ihinanda nila para sa akin, where will I go?"
Napansin ko ang pagguhit ng awa sa kanyang mga mata. "Maybe you feel that way because all your life, you've been dictated of what you have to do that's why you cannot figure out your own dreams right now."
I sniffed. "Totoo naman, eh. Kasi kapag sumuway ka, wala ka nang utang na loob. Kapag sumuway ka, nagmamalaki ka na."
He removed his glasses and wiped it so I had the chance to look at his face as he spoke.
"You cannot carry that mindset forever, Stephanie." He met my gaze. "You can't let people decide for you in everything. After all, we cannot please every single person that we love."
A broken smile found its way to my lips. "Sana gano'n kadaling itatak sa isip, Dean, pero hindi. Hangga't nakikita ko si Papa na baldado ang kalahati ng katawan, dadalhin ko ang guilt sa puso ko. Ang maging abogado lang ang paraan para mawala 'to."
He let out a breath as he wore his glasses back. "Then you have to work harder than the rest." Inilabas niya ang kanyang phone nang tumunog iyon. Hindi ko naman sinasadyang mabasa ang text message mula sa babaeng nagngangalang Maggie.
Maggie: What time will you pick up Coleen?
He clenched his jaw and typed a reply.
Coal: I'll be there in thirty minutes.
Muli siyang humugot ng hininga saka ipinasok sa bulsa ang phone. "I have to go." Dinukot niya ang wallet niya at naglabas ng dalawang libong piso saka iyon inilagay sa palad ko. "In case the doctors will need you to buy something for your sister."
Umiling-iling ako at pilit na ibinalik ang pera. "Hindi na, Dean Chen okay lang--"
"Keep it. Pay me back once you already have your first case." He held my hand and closed my fist while staring at my eyes. "I'll see you tomorrow in my office."
Natulala na lamang ako habang nakasunod ng tingin kay Dean Chen. Nang makasakay siya sa kanyang 4x4 at tuluyang umalis, napatitig na lamang ako sa aking kamay saka ako bumuntong hininga.
I hope I won't regret having my insane plan of seducing him to get to the law school. Kasi kung ako pa ang mahuhulog sa huli, baka hindi ko alam kung papaano ko iaahon ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceShe wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after fa...