Kabanata 10

7.2K 102 5
                                    

Kabanata 10

I had to wait for Coal's wife to leave before I could go out of the bedroom. Masama pa rin ang titig sa akin ng anak niyang si Coleen habang yakap niya ang stuffed bear niya. Kahit na anong iwas ko ng tingin, lumilipat ng pwesto ang bata upang makita ko ang kanyang matalim na titig.

"Ayaw ko sayo! You're panget!" ani Coleen nang sa wakas ay tinignan ko.

Napaawang ang mga labi ko. Ano raw? Diyos ko, anak ba talaga ito ni Coal? Bakit ganito ang tabas ng dila?

She went closer, pursed her thin, pinkish lips, and flared her nostrils. "Bawal sa Daddy ko ang girlfriend! Sa mommy lang si daddy!"

I drew in a sharp breath. "Ikaw si Coleen? You're very pretty."

Napansin ko ang bahagyang pag-aliwalas ng kanyang mukha. "Really?"

I smiled. "Yes."

She was about to smile when she heard her mom cursed. Napansin ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni Coleen, at nang muli akong tignan ay tumikwas ang mga labi.

"Ayaw ko sayo! You go out na! Bawal ang ibang girl dito!"

Hindi ko na lamang inintindi. Niyakap ko na lang ang aking mga tuhod at pinakinggan ang pagtatalo nina Coal sa labas habang naupo naman sa gilid ng kama si Coleen. I can feel her sharp gaze at me, pero hindi ko na pinansin ulit.

"You can't keep doing this to her, Maggie! She's our daughter pero kung itrato mo parang hindi mo anak! Isang araw pa lang siya sa poder mo, pagod ka na kaagad mag-alaga? You're unbelievable!" Coal's voice thundered.

"Ang sabihin mo, kaya mo siya ibinibigay sa'kin nang makapag-uwi ka ng babae rito! You're disgusting! Ilang taon 'yang ikinama mo?! I don't want you dragging my name because of some whore you picked up somewhere! If you don't give a damn about your name, then think of my clinic! Think of my reputation, Coal!"

Nadinig ko ang paglagabog ng pinto. Nang tignan kong muli si Coleen ay nakatitig na siya sa pinto ng kwarto. Her eyes said everything she couldn't express at her age, at sa totoo lang ay mas naaawa pa ako sa kanya. She's too young to witness stuff like this.

The door opened and Coal went in looking so stressed out. I tried to smile at him but he sighed before he asked his daughter to come with him. Sumama naman ang batang lumabas. Nang bumalik siya sa kwarto nang mag-isa, napansin ko ang pag-iwas niya sa akin ng tingin.

I suddenly felt ashamed especially when he sat on the edge of the bed and rubbed his palms on his face.

"I'm sorry about what happened last night," he said in a low, disappointed tone.

I gulped. "You don't have to. Ginusto—"

"We shouldn't have done it. I..." He sighed and stared at the wall with his jaw tightly clenching. "I made a promise to Coleen that I won't have any affair with another girl... and I broke that promise last night."

Parang sinuntok ang dibdib ko. Does he regret what happened to us? Iyon ba ang ibig niyang iparating?

Tuluyan akong kinain ng hiya, kaya bago pa man siya muling makapagsalita ay umalis na ako sa kama kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita.

He apologized again when he saw me leaving the room, but I was so upset I didn't look at him anymore. Para akong sinampal. I know it's my fault, too because I initiated everything, but I didn't expect things to turn out this way after I gave up my virginity to him last night.

Dumaan ako sa pharmacy at bumili ng morning pill bago ako dumiretso sa bahay. Hindi ko na inintindi ang bunganga ni Lola dahil masama talaga ang loob ko.

After I took a shower, I immediately left to go to work. Nag-message si Coal sa akin at humihingi ng pasensya, pero binura ko lang ang numero niya at hindi na siya pinuntahan ulit sa opisina niya.

Our communication ended that way. When classes began and one of the professors who was nice to me, vouched for me so I can be a student assistant in school, I accepted the offer without second thoughts. Maganda na rin ito dahil may discount ako sa tuition kaya kahit paano ay mababawasan ang kailangang bayaran.

"Steph, anong position ang ibinigay sayo?" tanong ni Prof. Ruiz nang dalhan ko siya ng pansit bilang pasasalamat.

"Mamaya ko pa lang malalaman, Prof. Salamat po pala, ha?"

"Maliit na bagay. Oh, magtapos ka na, ha? Sayang naman kung babagsak ulit. Tyagain mo lang, 'nak."

My heart felt warm. Alam ko namang anak ang tawag niya sa mga nagiging estudyante niya pero para ko na ring naririnig si Mama tuwing iyon ang itinatawag niya sa akin kaya hindi ko napigilan ang mapangiti.

"Yes, Prof. Kakayanin na this year. Hindi na rin garapal ang bibig ko, promise."

She grinned. "Ay dapat lang, anak. Walang abogadong nagmumura sa korte."

Natawa ang ilang nasa faculty. Nang pumasok si Dean Chen doon upang ibigay ang tila cake na pa-welcome back ng university, halos hindi ko alam kung iirap ba ako o tatalikod habang ang mga babaeng propesor at instructor ay kaagad pumostura't nagpa-cute.

"Good morning, Dean. Bakit ikaw pa ang nagdala niyan dito? Nabuo na naman tuloy ang first day of class ng department namin," ani Prof. Ruiz saka humagikgik.

Napabaling ang tingin ni Coal sa direksyon namin. Huli na rin para makaiwas ako ng tingin dahil sa akin unang nag-landing ang kanyang titig. Nang makita ang pag-iwas ko ng tingin ay tumikhim siya saka siya ngumiti kay Prof. Ruiz.

"Wala pa akong assistant so I decided to bring it here before it melts. Have a great day, everyone. I have to go back to the college of law now."

Sinulyapan ko lamang si Coal nang maglakad na siya palabas. Nang sumara ang pinto ng faculty ay napabuntong hininga na lamang ako saka bumulong sa sarili.

Ang gwapo lalo ng lintik sa bago niyang gupit.

"Mauuna na ako sa klase ko, Steph. Thank you ulit sa pansit," dinig kong sabi ni Prof. Ruiz dahilan upang muli kong maituon ang atensyon sa kanya.

"Sige, Prof. Pupunta na rin ako sa HR para kunin ang sched ko at nang malaman kung saan ako ilalagay."

She gently squeezed my arm. "Good luck. H'wag mahiyang lumapit kung walang pampa-xerox. Wala na ang mga kaibigan mong mag-aambag."

Ngumiti ako nang kindatan niya ako bago kami sabay na lumabas ng opisina. Naghiwalay naman kami sa sunod na pasilyo. Siya ay patungo sa klase niya habang ako naman ay sa HR na nasa admin building.

I waited in line along with the other student assistants. Gusto ko sana ay sa library ako i-assign para kung hindi busy ay makakapag-advance reading, kaya lang ay nang sabihing assistant post ang ibinigay sa akin dahil sa taas ng score na nakuha ko sa SA test, wala na rin akong nagawa.

"Bale since fifteen units ka na lang naman ngayong sem, five hours ang duty mo as dean's assistant. Ikaw ang tutulong mag-ayos ng documents ng dean na naka-assign sayo. Ikaw rin ang tutulong kapag may kailangang ayusin o asikasuhin ang dean. You will act like the dean's personal secretary. Magbibigay naman ang dean na naka-assign sayo ng tasks na dapat mong i-accomplish, base sa gusto niyang maging overall job mo sa entire period ng pagtatrabaho mo sa kanya," paliwanag ng HR personnel.

Napalunok ako. "S—Sinong Dean ho ba ang... naka-assign sa akin?" I asked.

She looked up a list on her computer and checked the name written across mine before she faced me again with a small smile.

"Dean Coal Henry Navales. Sa College of Law ka since ikaw lang ang Pol Sci na nag-apply as SA."

Halos tumalon ang puso ko palabas ng aking dibdib. "D—Dean Chen?" I gulped. "Can you... double check it, please?"

Kumunot ang kanyang noo. Mayamaya ay ihinarap niya sa akin ang monitor at itinuro ang pangalan namin ni Dean Chen. Nang masigurong hindi nga siya nagkamali, halos mapabuntong hininga ako.

Kung pinaglalaruan ka nga naman ng pagkakataon, oo...

MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon