Kabanata 8

4.2K 94 2
                                    


Kabanata 8

"Oy, Steph! Tutal may sahod ka na, baka naman gusto mo ring mag-ambag dito sa bahay?" mataray na sabi ni tita Ningning nang maabutan ako sa kusina na mag-aalmusal sana.

Nagkatinginan kami ni Kylie. Her eyes rolled immediately as she shook her head. "Iniipon ho ni Steph ang sahod niya para hindi na sagutin ni tita Lorena ang tuition niya."

"Kylie..." suway ko.

Bumaling sa akin si tita Ningning. "Ito? Mag-aaral?" Umismid siya habang mataray akong pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Naku, maniwala ako! Umpisa lang na naman 'yan. Kalaunan, sa Nanay na naman niya ang takbo."

"May masama ho ba ro'n? Anak naman siya--"

"Kylie." I shook my head. Umirap naman siya na tila hindi sang-ayon sa pagpapatahimik ko sa bibig niya.

Padabog na binuksan ni tita Ningning ang kaldero. "Sayang lang ang pampaaral. Kung sana sa unang subok pa lang nagtino na, hindi sana nasayang ang higit kwarenta mil sa isang sem! Buti ka pa nga nakatapos ka kahit mahina rin naman 'yang tuktok mo. Oh, eh 'di may napuntahan ang hirap ni ate Menggay sa abroad? Eh, ito?" Idinuro niya ako. "'Yang sinasabi mong iipunin mo, Steph, itulong mo na lang dito sa bahay nang may silbi ka."

Bwisit na bwisit na sinundan ni Kylie ng tingin si tita Ningning noong nakaalis. "Nakakawalang-gana talaga. Kapag nakaipon ako at na-regular sa trabaho, mag-upa na lang tayo, Steph. Bwisit talaga 'yan akala mo naman sila ni tito Roger may ambag dito sa bahay eh sila nga ang malakas gumamit ng kuryente at lumamon pero puro asa kay Mama at tita Lorena naman."

I put my utensils down. Tama si Kylie. Nakakawala nga talaga ng gana, kaya imbes na magsasandok ako ng pagkain, hindi ko na lang itinuloy.

"Oh, hindi ka kakain?" tanong ni Kylie.

I shook my head as I put the plate and utensils back. "Hindi na. Nabusog na ko sa bunganga ni tita Ningning."

Kylie sighed. "Sa susunod nga Steph, lumaban ka."

I flashed a broken smile. "Paano naman ako lalaban kung tiyahin natin 'yon, Kylie? Ano na lang ang sasabihin kina Mama at Papa? Na may anak silang bastos? Walang modo at walang utang na loob?"

"Bakit, Steph? Mas matimbang ba talaga ang utang na loob kaysa sa emotional distress na nabibigay nila?"

Hindi ako nakakibo. No. But if I will stand up for myself, people might think I'm the wrong one. Isisisi lang sa pagpapalaki ng mga magulang ko ang magiging pagsagot ko kahit na ako ang nasa katwiran, dahil sa kulturang mayroon kami, wala kang karapatang magsalita at tumindig kung higit na nakatatanda ang kausap mo.

Pilit na lang akong ngumiti. "Sabay na tayong umalis. Maliligo lang ako. Alas nuebe ako ngayon."

Kylie nodded after she understood that I didn't want to continue our conversation. Nang hawiin ko ang kurtina sa pinto ng kusina ay natataranta akong lumapit kay Papa nang makita ko siyang pilit na humahakbang galing ng kwarto.

"Pa! Bakit naman hindi ka nagtatawag? 'Di ba sabi ko patutunugin mo 'yong bell na nilagay ko sa kwarto mo kapag kailangan mong magbanyo?"

Namumula ang mga matang umiwas ng tingin sa akin si Papa. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko rin sigurado kung nadinig ba niya ang sinabi ni tita Ningning sa akin kanina. Ayaw ko na rin namang tanungin kaya inakay ko na lang siya patungo ng banyo.

I waited for him to finish before I brought him back inside his room. Nang maiayos ko siya sa kama, napansin kong nakatitig sa akin si Papa.

"May gusto ka ba, Pa?"

MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon