Kabanata 2

5K 112 13
                                    

Kabanata 2

"Madrigal, Kyana Louisse A. Bachelor of Science in Business Administration, honorable mention."

Pumalakpak kami nang tawagin ang pangalan ni Kylie. I'm proud of cousin for finishing on time, but a part of me feels jealous and scared of what our relatives would say. I failed my classes in my last year in college, kaya siguradong pulutan na naman ako ng sarili kong mga kamag-anak.

Na-depress ako sa hirap ng kurso, idagdag pang masyadong tumatak sa isip ko ang sinabi ni Dean Chen noong nagpunta ako sa opisina niya. 

I glanced at Dean Chen while he was sitting on the stage along with the rest of the faculty members. He was wearing his glasses so he looked more intimidating. Kung siguro ay natatanaw niya ako ngayon, baka nabilang niya kung ilang beses ko na siyang nairapan sa galit ko sa kanya. Sa kahahanap ko ng pwede kong masisi sa hindi ko pag-graduate sa tamang panahon, sa kanya ko naibunton lahat ng galit ko. 

Nang matapos ang graduation ceremony ay nilapitan ako ng friends ko. They let me wear their toga hats and hugged me as if they know how heartbroken I am right now for not being able to march with them. 

"Pinapaiyak ninyo ako," sabi ko habang nagpupunas ng sulok ng mga mata. 

Audrey smiled. "Huwag ka nang malungkot, Steph. Hindi naman karera ang pag-aaral."

Sana pwede ko rin iyong sabihin sa mga kamag-anak ko, pero hindi. Ni hindi nga nila magawang palakasin ang loob ko. Tanging si Kylie lang ang kakampi ko ngayon sa bahay dahil lahat sila ay tingin sa akin ay nagpabaya ako.

I sniffed. "Picture-an ko kayo sa stage," sabi ko na lang nang mawala na sa akin ang focus ng usapan. 

Ayaw kong dito pa ako umatungal. Ilang araw na nga akong nag-iiiyak sa kwarto dahil hindi ko na talaga nagawaan ng paraan na makapagmartsa rin ako. Hanggang dito ba naman ay babaha ang luha ko? 

They all went to the stage while I stayed on the front side to take their photos, but as they lift their toga hats when they strike a pose, I couldn't help but bit my lower lip when my eyes started to sting. 

I'm proud of them. They all did well. Hindi ko lang magawang i-comfort ang sarili ko kasi pakiramdam ko sa aming lima, ako ang napag-iwanan. Ako ang failure. Ako ang kulelat. Hindi man kompetisyon ang pagkakaibigan namin, pero ayaw ko iyong ganitong pakiramdam. Iyong parang nasasampal ako ng katotohanang wala akong sinabi kumpara sa mga taong araw-araw kong nakakasalamuha.

I sniffed and started counting. Mayamaya ay may mga nagpa-picture sa bandang likod ko. Sa kaaatras nila ay tuluyan akong tumama sa likod ng pinakamatanda. Dahil iritable na ako at masyadong mababaw ang emosyon, bwisit na bwisit akong napamura.

"Tangina naman, eh--" My eyes widened when I realized that the person who bumped me was Dean Chen himself. He towered over me while lifting a brow as if he was surprised about the way I cursed.

Mayamaya ay bumuntong hininga siya saka umiling. "I said good girls don't have a room in the college of law, but I didn't say I like bad mouths."

Umigting ang panga ko. Gusto kong isampal sa gwapo niyang mukha ang cellphone ni Kylie kung hindi lang ako nakapagpigil. Imbes na magpatol pa, tinikom ko na lang ang bibig ko at ako na lang ang lumayo sa grupo nila. Halata namang nagpapapansin lang sa kanya ang mga estudyanteng gusto siyang isama sa litrato. Ha! I heard he's married. Sa may sabit pa talaga sila nagpa-picture.

I took a couple more photos before we left the venue. Todo asikaso sina tita kay Kylie. Si lola naman ay grabe kung magmalaki sa mga kapatid niyang kausap nila ngayon sa video call.

"Oh, 'di ba? Ang tatalino ng apo ko?" She laughed, but when I gave her a plate of cake, she looked at me from head to toe before she shook her head. "Hindi pala lahat. Itong anak ni Stefano na panganay, kung hindi lang nag-inarte eh 'di sana nagmartsa rin? Sayang ang perang pinaghihirapan ng mga magulang sa Hongkong! Tignan mo, imbes uuwi ang mag-asawa, hindi na tumuloy at ayaw makita ang pagmumukha nitong bata na 'to. Ewan ko ba kung bakit kasi pinagtyagaan pa 'tong paaralin eh mas matalino naman 'yong pangalawa."

MEN OF HONOR SERIES #1: SCARRED (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon