Chapter 9

1.2K 71 11
                                    

IMEE'S POV

"Are you sure okay lang sayo na huwag ng mag private plane? Pasensya kana ha. Nagka problema kasi yung eraplanong sasakyan natin dapat." Rodrigo.

"Okay lang! Sanay din naman ako sa mga ganito. Yung ibang kasama natin ang tanungin mo."

"Wala din naman daw problema sakanila. Mauuna na tayong sumukay para hindi tayo gaanong mapansin ng mga tao."

Tumango lang naman ako.

~

Nakaupo na kami ngayon sa dulo ng eraplano. Hinihintay lang namin na makasakay ang lahat bago kami umalis.

Dalawa lang kaming mag katabi ni Rodrigo, nasa kabilang upuan sina Bong. Naiirita ako ngayon sa katabi ko dahil sa kausap niya. Kahit bumubulong lang siya ay naririnig ko pa rin ang mga sinasabi niya.

"I'm sorry Honeylet. Alam mo namang busy ako palagi diba? Babawi ako sayo pag uwi ko." Rodrigo.

"I-d-date kita pag uwi ko promise."

"Okay, Papatayin kona yung call. Lilipad na kasi yung eraplano."

"Take care."

"I love you, Honeylet."

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng marinig ko ang mga huling katagang sinambit ni Rodrigo. Alam kong wala akong karapatang mag selos, pero hindi ko maiwasan.

"Imee are you okay?" Hahawakan na niya sana ang kamay ko ng pigilan ko siya.

"Don't touch me."

"B-bakit?"

"Basta!"

"Ang sungit sungit mo naman."

"Ano naman?"

"Sus! Nag seselos kalang eh."

"Excuse me? Ang feeling mo naman masyado Mr. President!"

"Oh bakit hindi ba?"

"Wala akong pake kahit mag iloveyou-han pa kayo minu minuto ni Honeylet no."

"Ah so pinakikinggan mo nga ang usapan namin kanina?"

Napaiwas naman ako ng tingin, "Hindi no. Maingay kalang kasi kaya naririnig ko."

"Narinig mo at nagseselos ka?"

"Hindi nga ako nagseselos! Bahala ka nga diyan."

"Ang selosa mo naman, pinatay ko na yung call bago ako nag i love you kay Honeylet. So, hindi niya narinig yung sinabi ko."

Bigla naman akong nakahinga ng maluwag ng dahil sa sinabi niya. Pero wala pa ring bago. Nag iloveyou parin siya kay Honeylet kahit hindi niya ito narinig.

Bigla naman niya akong inakbayan, "Pwede ba?! Huwag mo muna akong hawakan."

Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako, "Saan ka pupunta?"

"Makikipag palit ako ng pwesto kay Bong dahil naiinis ako sayo."

He sighed, "You stay here, ako nalang ang makikipalit."

Nang tumayo siya sakanyang kinauupuan biglang sumigaw yung isang babae.

"Uy! Andito si Presidente Duterte!"

Bigla naman nag sitayuan ang ibang mga tao na nagmamadaling pumunta dito. Biglang nawala sa balanse ang eraplano kaya napaupo ulit si Rodrigo sa kinauupuan niya.

"Pa-picture po!"

"Mr. President!"

Yan ang iilan sa mga sigaw ng mga tao. Bigla naman akong napahawak sa kamay ni Rodrigo ng maramdaman kong unti unti bumababa ang eraplano.

"To all passengers, please get back to your seats!" Sigaw ng mga flight attendant.

Sobrang ingay ng mga tao at talagang nandito silang lahat sa dulo ng eraplano.

Sa sobrang takot ko ay napayakap na lamang ako kay Rodrigo ng biglang tumagilid ang eraplano. Niyakap din naman ako ng mahigpit ni Rodrigo.

"R-rody! Natatakot ako."

"Mga kababayan! Maupo po muna tayo para maisaayos ang pag lipad ng eraplano." Sambit ni Rodrigo.

Unti unti namang bumalik sa dating balanse ang eraplano dahil nagsi balikan na ang ibang mga tao sa kanilang kinauupuan.

Nang marinig ko ang mahihinang tawa ni Rodrigo ay bigla ko siyang tinulak.

"Bakit mo ako niyakap!?"

"Ano? Ikaw nga itong yumakap sa akin!"

"Nakayakap ka rin sa akin ano!"

"Kasi yinakap mo ako."

"Ewan ko sayo."

"Ikaw na nga nakayakap sa akin ikaw pa galit. Yung ibang tao diyan gustong gusto akong yakap-"

"Oh edi sakanila ka magpa yakap!"

"Keep your voice down, Imee. Para ka namang nakikipag away."

"Talagang inaaway kita!"

"Shhh. Okay, I'm sorry. Calm down okay?"

Inirapan ko lang naman siya at kinuha ang Ipad ko sa bag upang maglaro.

"Ano yang nilalaro mo?" he asked.

"Huwag ka ngang malikot! Mamamatay ako."

"Ano ba kasi yan? Patingin nga."

"Ayan na namatay ako! Ang likot mo kasi."

"Hindi ka naman ata marunong niyan, ako nga maglalaro."

Inagaw naman niya sakin yung Ipad at naglaro.

"Hindi naman yan tinitira! Yun ang tirahin mo oh!" Pagtuturo ko.

"Wait lang, huwag ka kasing maingay."

"Hindi ka naman marunong eh!"

"Ay! Ayan namatay tuloy, ang gulo mo kasi!"

Inagaw ko naman ulit ang Ipad sakanya, "Akina nga! Hindi ka naman marunong kasi! Tira kalang ng tira e hindi naman tinitira yon!"

Bigla naman siyang natawa, "Ano ba kasing tinitira diyan?"

"Ito oh! Ayan ganyan siya laruin! Ikaw kasi puro tira, kung ano ano tinitira m-"

Bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko kaya kinagat ko siya, "Aray!" he exclaimed.

"Ano ba kasi!? Ba't mo ba tinitakpan ang bibig ko!"

"Naririnig ka ng ibang pasahero Imee, baka ano pang isipin nila na tinitira ko. Pwede bang babaan mo ang boses mo?"

"Ewan ko sayo. Doon kana nga, mag s-sounds nalang ako dito para makatulog."

"Hati tayo sa earphones."

"Hinahati ba'to? Edi nasira kung hahatiin ko diba?"

"Napaka pranka mo, halikan kita diyan eh." He whispered.

"Ano yon?" I asked kahit narinig ko.

Bigla naman niya akong hinalikan kaya naitulak ko siya agad, "Rodrigo! Ano ba? Madaming tao." I mumbled.

Tumawa lang naman siya, "Ang ingay at sungit mo kasi!"

"Pwede ba manahimik kalang diyan? Kung ayaw mong matulog, bahala ka. Basta huwag mo akong iistorbohin."

A Beautiful AffairWhere stories live. Discover now