PART 9 ♥

945 20 0
                                    

PART 9


Simpleng tulad mo



("Sshhh.. Hindi ko alam sasabihin ko dahil hindi naman ako nakakaranas niyan. Pero.. Anong gagawin mo? Mag-mumok mok sa isang tabi?")



Pinunasan ko ang luha ko na kahit anong punas ko ay para lang itong gripo na tulo ng tulo.



"Ewan ko.. Eunice! Ewan ko! Ang sakit! Ang sakit kasi siya pa mismo ang nagsabi na malandi ako! Siya lang naman ang nilalandi ko 'eh! Huhuhu!"



("Haish! Lintek na Jacob 'yan! Pare-parehas talaga silang magkakabarkada! Sabi na 'eh! Hindi talaga siya katiwa-tiwala! Basta mga kaibigan ni Embrich! Uugghhh!!")



"Anong gagawin ko? Papasok ba ako bukas? Saka— Aww! Ang sakit naman!" nasigawan ko pa ng wala sa oras ang naglilinis ng sugat sa paa ko. Yung guard sa bar ang pinag-drive ko ng kotse ko dahil hindi ko maigalaw ang paa ko sa sakit at baka maaksidente pa ako kapag ako ang nagdrive kaya si Kuya guard ang pinag-drive ko hanggang bahay, binigyan ko nalang siya ng tip para naman hindi nakakahiya.



"Sorry po." paumanhin nung maid.Bakit kasi maid ang pinag-linis ko ng paa ko? Argh. Bahala siya 'jan. Tatanggalin ko siya sa trabaho niya kapag lumala ang sugat na 'iyan.



("Anyare sayo? Tanga mo kasi! Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo at may nalaman-laman kapang alak 'jan! Tss! Wag OA Violet Reyes 'hah?") sarcastic na sabi ni Eunice at alam ko sa mga oras na ito ay ngumunguso-nguso siya. Tch.



"Sorry 'hah? Tanginang Jacob! Siya sisihin mo! Wag ako! Leche!! Kapag ikaw nainlove kokotongan talaga kita! Palibhasa hindi ka pa nakakaranas ng love! Lintek na love 'iyan!"



("Wushu! Sa tingin mo, may pagkakataon ako sa pag-ibig kung may nakakasakal kang 'kuya? Hah? Aiissh!!")



"Ewan ko sayo! Storya ko ito! Mamaya na yung sayo! Tss!"



("Lintek! Anong gusto mong gawin ko sa cool off-relationship niyo? Papasuyo ka o siya ang mangsusuyo?")



"ABA! SYEMPRE! SIYA ANG MANGSUSUYO! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NIYA PARA AKO ANG SUMUYO SA KANYA? LINTEK!"



("Sabagay, hmm.. Let him explain tapos bahala ka na sa desisyon mo kung tatanggapin mo ba ulit siya o hindi. Atsaka, Jacob is a better man. Actually, madalas ko siyang makita na nakasubaybay sayo noon pa man pero syempre, akala ko isa lang siya sa mga sangkatutak mong taga-hanga kaya dinedma ko nalang. I know he loves you. Just try to explain his side, hindi yung akala-akala mo yung iniintindi mo.")

That Bossy Suitor! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon