PART 10 ♥

1.3K 21 5
                                    

EYL's FAREWELL:

This will be the last part of JaLet Sidestory. Kailangan na nating mag-paalam sa kanila, mabilis man pero dahil short story lang naman ito. Huhuhu TT^TT Don't expect too much sa magiging ending! Pinapaalala ko lang! Waah! 2nd story na natapos ko! Yipie!! *sabog fireworks and confetti*(sa mga readers ng KKBK, tapos ko na po iyon 'tagal niyo 'eh LOL) Magkita-kita tayong lahat sa Better Love Nextime (my next story: not sure yet)



Warning: Medyo SPG! Peaceeee ^_^V (Nahihiya ako, nyemas! Sorry, kailangan ko lang talagang gawin ang mga bagay 'na iyon. Hinay-hinay mga bata 'ah? LOL)









PART 10



Last



Kung gaano ako kabilis mainlove sa isang Jacob dela Fuerte, ganun din kabilis tumakbo ang oras kasama siya. Pero ngayon, dahil masyado na kaming busy sa kanya-kanya naming buhay.. Mukhang makakaligtaan niya pa niya ang araw na ito.



"Reyes, Maria Cecilia Ann" ngumiti ako ng pilit kasabay ng paglakad ko sa entablado at pagtanggap ko ng diploma. Nakipag-kamay ako sa mga advisors at teachers at saka nag-bow sa harap bago bumalik sa sarili kong upuan.





Hinanap ko buong magdamag ang mukha ni Jacob pero ni-hindi ko manlang siya nakita, kahit ang anino wala rin. Napangiwi naman ako 'nung nagsipalakpakan ang lahat at naghagis ang lahat ng toga cap. Kahit papaano ay masaya ako dahil graduate na ako ng college  Hinagis ko yung toga cap ko at niyakap ang mga kaibigan ko. After 4 long years, graduate na ako. I am now officially Architect Violet Reyes.





"Kyaaaa! Violet! Congrats! Graduated ka na! Babaita!" nakangiting saad ni Eunice at saka sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit dahil sa saya.





"Asan si.. Jacob? Eunice?" nag-aalangang tanong ko at hinanap siya. Baka isusurprise ako.





"Eh? Hindi ko siya nakita. Sina Tita at Tito lang ang kasama ko." sinalubong naman ako ni Mom and Dad ng isang mahigpit na yakap.





"Congrats 'dear." nakangiting saad ni Mom. "Thanks Mom." nakangiti kong saad. Ngumiti lang si Eunice sa akin at nag-thumbs up.





Nakipag-kamustahan pa ako sa mga kaibigan ko. Umalis din agad si Eunice dahil may emergency meeting pa siya sa kompanya niya. Yup, si Eunice ay isang CEO ng kanyang kompanya. Model din siya ng sarili nilang produkto. Maraming nangyari sa kanya. Embrich died, 4 years ago. At sobrang nasaktan siya dahil nalaman niyang ampon pala si Embrich at 'nang gabing iyon ay na aksidente sila at na-comatose  si Eunice for a year at si Embrich ay namatay. Hindi ko alam ang buong storya pero ang alam ko, nainlove na pala si Eunice kay Embrich, vice versa. Akala ko, happy ending na kasi ampon si Embrich pero yun nga, nangyari ang aksidente. Umiyak din ako 'nun kasi na-comatose si Eunice at akala ko hindi na siya makakaligtas pero salamat sa Diyos ay nakaligtas siya. At syempre, umiyak din ako kasi namatay si Embrich, kahit ganun iyon.. Ngayon ko lang siya naging seryoso at sa isang Eunice de Castro kaya nga naiyak talaga ako saka ex pa rin siya at may care pa rin ako dun. Pinag-awayan pa nga namin ni Jacob 'yun. Tangna niya kasi, nagseselos siya! Tss!





At ngayon, tangina niya pa rin kasi ngayon inindian niya ako sa mismong grduation day ko. Ugh.





"You okay?" nagtatakang tanong ni Dad. Tumango nalang ako kahit sa loob loob ko, gusto ng sumabog ng ulo ko sa inis kay Jacob.

Tungkol naman sa relationship namin ni Jacob, masasabi kong isang iyong relationshit. De joke, kung relationshit ba ang nangyari sa amin ay tatagal ba kami ng 5 years. Haha! Hindi niyo alam kung ano-ano pang kahayupan ang pinag-awayan namin to the point na nagkahiwalay kami ng isang buwan pero eto, salamat sa pagmamahal ko sa kanya at pagmamahal niya sa akin ay umabot kami sa 5 years.





That Bossy Suitor! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon