PART 7
Still my bossy Suitor
"Manyak!!" sigaw ko sa kanya aat agad siyang tinulak.
"Tangi—-" agad ko siyang sinipa sa ginawa niya.
Alam kong pulang-pula ako sa mga oras na ito pero.. Gosh! That was my first time! At.. At kakapatawad ko palang sa kanya ay naka-based agad siya?
Argh!!
"Oww!!" hawak niya yung kayamanan niya dahil iyon ang pinuntirya ko, nagtawanan naman ang mga kabandmates niya pero agad akong niyakap ni Jacob kahit na alam kong hindi pa siya nakakarecover.
"Putangina niyo! Lumayas kayo!!" sigaw ni Jacob agad ko naman siyang siniko sa ginawa niya.
Minsan naiinis din ako— este madalas, naiinis ako dahil nagagalit siya lagi ng walang dahilan. Tss!
"Epal ka talaga! Huwag ka ngang—"
"Tangina naman Violet! Sa lahat ng kakalimutan mo, yung magsuot pa ng bra? Fvck! Basang basa ka kay kitang kita ko! Pero ang makita ng iba 'iyan? Tangina.. Makakapatay ako ng tao!" nanggigil na sabi niya. Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. "Still bossy suitor.." humahagikhik na sabi ko.
Napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo. "What the fvck? Did I heard it right? Akala ko ba tayo na?"
Sumimangot naman ako sa kanya. Masyadong mabilis. I fall inlove, but it doesn't mean na pwedeng maging kami. Hindi pa.. Sa ngayon.. And I will take it slowly..
"What!? I know, that you love me and you don't know how much I love you more the way you do. And I'm sorry for being a bastard kasi pinagpustahan ka namin para maging tayo—"
Hindi ko maiwasang mapahikbi habang inaalala iyon. Masakit. Sobra! Kaya nga naiinis ako! Sobrang naiinis dahil sa ginawa niya at dahil nahulog ako. Sinong hindi maiinis 'diba? Puta! Ang swerte mo dela Fuerte! Pinaiyak mo ang isang Violet Reyes!
"Shit! I'm sorry.. I'm sorry... Baby, look at me.." hinawakan niya ang chin ko at itinapat sa mga mata niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi pero sadyang tumatakas naman ang mga luha sa pisngi ko. Buti nalang at hindi halata dahil palakas ng palakas ang ulan. "I knew, that I will be the first one to fall inlove. Tangina! Hindi mo alam kung gaano ako ka-obsess sa iyo simula grade school! Natotorpe lang ako kaya sa tuwing niyaya ako ni Mommy na pumunta sa bahay niyo ay lagi kong tinatanggihan. You never see me before dahil nagtatago ako lagi sa kung saan man dahil takot ako na magaya sa mga lalaking laging tinatarayan mo. Takot ako na baka tarayan mo rin ako gaya ng pagtataray mo sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano ako nainlove dahil mataray ka pero nung nakita kong ginagamot mo yung pusang gala na pakalat kalat sa subdivision natin, doon ko na-realize na may tinatago kang good side. Alam mo ba na naisip ko na sana ako nalang yung pusa? Sana ako nalang yung inaalagaan mo? Pero tangina, takot talaga ako! Hanggang sa mag-highschool at nalaman ko na doon ka mag-aaral sa LVA natuwa ako. Kaso natakot uli ako kaya napagdesisyon ko na sa ibang section ka at sa ibang section ako dahil ayokong madistract ang sarili ko. Nagulat nalang ako nang kumalat sa buong campus na kayo na pala ni Embrich de Castro, ang kabandmate ko at pinaka-playboy sa buong LVA. Nawalan ako ng pag-asa kaya sa ibang babae ko itinuon ang sarili ko. Pero nagulat ako ng sinabi sa akin ni Embrich na makikipag-break siya sayo at ibibigay ka niya sa akin. Natuwa ako at simula nung makita kita na umiinom sa isang counter ay nagplano na ako. Sinabi ko sa mga kabarkada ko na kapag nainlove ka sa akin sa loob ng 3 linggo ay magseseryoso na ako sayo at kapag hindi ikaw nainlove.. Talo ako. Iyon ang naging basihan ko para maglakas loob na gawin ang lahat ng iyon. Akala mo pa-easy easy lang ako pero putanginang 'yan! Akala mo lang kasi sa tuwing nirereject mo ako, nagugunaw ang mundo ko pero.. Naisip ko, okay lang.. Mahal kita 'eh. Tinitiis ko. Mahal kasi kita at ngayong mahal mo na rin ako, tangina hindi na ata kita kayang pakawalan!"
BINABASA MO ANG
That Bossy Suitor! [Short Story]
Historia Corta♥COMPLETE♥ "You still cannot move on? Aren't you?"-Jacob "Ano naman sayo?"-Violet "Can't you see? I am here. Why don't you love me back?"-Jacob "Because.. Your too bossy." "No I'm not. Cause if I am what you called bossy, then.. I should probably o...