Chapter 4

8 1 0
                                    



tw/: Panic attack



"P-punishment dad?" nauutal utal ko pang sabihin. 



First time kong marinig kay dad na pinarusahan niya si Ceryse. Madalas kasi ako ang pinaparusahan, but this time si Ceryse na. "Don't mind your little sister, she needs also to learn from her mistake." 



Hinaplos haplos na lang ni daddy yung mukha ko. Namiss ko yung gan'tong lambingan ni daddy sa akin. Nagbago lang naman lahat noong lumalaki na si Ceryse eh. At naghahanap na ng tagapagmana ng kompaniya namin. Noong ako ang inatasaan na magmana ng kompaniya, mas lalong lumaki galit ni Ceryse sa akin. Baka nga hindi galit eh - baka selos at inggit.



Xiaryse Inc. ... The name itself pinaghalong name namin ni Ceryse, it's a company for architecture. My mom and dad are the President of this company. Wala naman sa isip ko maging tagapagmana ng kompaniya. Wala sa hilera ko yan. 



Ang tanging gusto ko maging manunulat ng kanta. Kaso natatakot ako. 



Natatakot ako na humarap sa madla. Pakiramdam ko kasi pinag-uusapan ako ng lahat at higit sa lahat, ayaw nila sa boses ko. Maba-bash lang ako ganoon. Pero sa dami kong nasulat na kanta, gusto ko 'yun lahat ilabas. 



I feel a mediorcre kapag sinabi ko I want to be singer-songwriter artist sa pamilya ko. Baka magalit sila. Baka ano pang pang masasakit na salita ulit ang sabihin nila sa akin. Kaya ito ako. Tahimik na lang muna ako. Ayaw ko sila ma-disappointed sa akin. I just want them to make them proud. Make them happy. Kahit hindi na ako. 



"This is all your fault, sana hindi ka na lang nag-exist," Ceryse exclaimed. 



Ilang araw makalipas na madischarge ako, ito na naman ako sa kwarto kasama tong kapatid ko. Kaka discharge ko lang tapos ito na naman siya. Ang dami na nga pinagbabawal sa akin na gawin dahil sa nangyari, dumagdag pa to. Sana separate room na lang kami. 



"Why do you put the blame on me, I'm the victim here obviously." I tried to fight back. 



"Kung hindi ka nakikipaglandian doon, di sana kita inaway." sabi niya sa akin. 



Nakikipaglandian? Saan banda doon? Napakusilap na lang ako at pinagkrus ang aking mga braso. Lahat naman kasalanan ko eh. Pero alam ko nakikita ng diyos kung ano ang totoo. Umalis na lang ako sa kwarto ko kung saan napasugod na naman siya para lang sa punishment sa kaniya. Para magbuhos ng galit. 



Pumunta na lang ako sa kitchen at kumuha ng luya. Hinati ko yun at inilagay sa almires sabay idinikdik ito para lumabas ang katas niya. Pagkatapos nilagay ko sa isang baso at binuhusan ng mainit na tubig. I call this my "ginger tea". 

RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon