tw:/Trauma, Bullying
"Tita, ang sarap po ng niluto niyong adobo!" ngiting saad ko.
Masarap naman talaga. Ngayon na nga lang ulit ako nakatikim ng lutong nanay eh. Si mommy naman kasi hindi gaanong nagluluto sa bahay. Nakakamiss lang naman mga luto niya.
"Ah iha, wala 'yun. Buti nga at nagustuhan mo." sagot naman ni Tita.
"Baka mapadalas ka dito niyan ah." pangangasar naman ni Cassian sa akin.
Agad ko siyang binatukan sa sinabi niya. "Baka gusto mong hindi kita pansinin ulit. Kupal." napairap na lang ako.
Tinawa niya na lang naman. Inayos na din namin yung pinagkainan namin. Magbo-voluntary pa nga ako sa paghuhugas pero nag-i-insist si Tita na siya na lang. Nagpaalam na kami kay Tita na lalabas kami para ihatid ako ni Cassian kaso...
"What in the world is going on here? Is this your boyfriend?"
Nagulat ako na nakita ko yung kapatid ko. Si Ceryse. Siya yung madalas nagpagtutuunan ng pansin ng pamilya ko. Pati na rin ng mga taong nakapaligid sa amin. Hindi ko alam gagawin ko, panigurado siya lang na naman ang paniniwalaan ni daddy.
"No, he's-"
"No, you're keeping secrets already... I'll tell this to daddy right away." sarkastiko niya akong pinigilang magsalita. Ito na nga ba sinasabi ko.
"Pwede ba bigyan mo naman ng chance na marinig panig ng kapatid mo?" sumumbat na si Cassian kay Ceryse.
"Cassian," pagpipigil ko sa kaniya.
"No, Sai. Dapat dito sa kapatid mo, sana maturuan ng leksyon na sana man lang bigyan ka niya ng pagkakataong makapagsalita." sambit niya sa akin.
"Oh my gosh, a prince charming. Hindi naman ganoon ka gwapo. Anyway, paparating na si daddy." sarkastiko niyang sinabi.
"Ceryse, kung ano yung sinasabi mo, mali 'yun. Alam kong galit ka sa akin, pero yung mandamay ka pa ng ibang tao dahil sa galit mo? Mali 'yun." mahinahon kong sinabi pero nararamdaman ko ng may nagtutubig ang aking mga mata na para bang tutulo na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/319298286-288-k424088.jpg)
BINABASA MO ANG
Risk
Teen FictionEverything is worth risking for, it just takes time. But not for Xianara Saoirse Vinzon who felt scared to risk since people around her caused a lot of pain. As the time passed by, she met Cassian Jaydaine Avellaneda who's willing to risk everythin...