"Aba, aba, mukhang yung bagong transferee type ka yata." Sambit ni Kyla
Reccess time na, kakatapos ng 3 subject exam namin. Science, English and Math. Tatlong mga major subject ba naman agad inuna. Buti na lang at nadischarge ako agad. May mga nireseta lang na mga gamot to regulate my mood. Napakusilap na lang ako sa sinabi ni Kyla.
Si Kyla lang ang sumasabay sa akin sa reccess. Nakakapagtaka na absent si Cassian pero may excuse letter siya. Ina-announce ni Ma'am Percy kanina before nag-start kaming sumagot ng exam. Ang sabi may importanteng lakad si Cassian. Pero ba't sabi niya naman sa note kanina makikipagkita siya sa gate 3. Naguguluhan ako lalo.
Ba't niya pa ipagmamamaya kung pwede naman niyang ipagpabukas... lalo pa ngayong sinabi niya na may importante siyang lakad?
"Abay malay ko sa kaniya, na naisingit niya pa ako sa lakad niya." sungit kong sinabi.
"Aba, si Sai, kinikilig." sabay itulak pa ako ng pasadya.
Anong nakakakilig doon? Wala naman kaming something. Sira ulo ka talaga Kyla.
"Stop and just eat" yun na lang nasabi ko.
Pagkatapos namin magrecess, bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming mga classroom. Sinusubukan ko mag-concentrate sa dicussion pero hindi mawala sa isipan ko yung sinasabi ni Cassian. Kaya ito ako, hindi mapakali.
Ano ba kasi 'yon? Ba't di mo pa kasi pinagpabukas?
"Class Dismiss" sambit ni Ma'am Percy.
Inaayos ko na lang gamit ko. Parang walang pumasok sa isip ko ngayon na mga lessons ha? Dahil doon sa pa-note ni Cassian. Bumibilis din ang tibok ng dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ako nakakaramdam ng gan'to? Kaba lang ba 'to?
Lumabas na ako sa classroom at pumunta na ako sa tagpuan na sinabi ni Cassian. Damn it! He's there. Nasa terrace siya. Huminga muna ako na lang ako ng malalim at kinuyom aking kamay. "Susugal pa ba ako? Kaya ko naman diba?" bulong ko sa sarili ko.
Pinikit ko mga mata ko sabay kinuyom aking mga kamay. "Wala naman masama kung susugal ka sa kaniya 'diba?"
Pumunta na lang ako sa kinatatayuan niya. "Oh you're here."
![](https://img.wattpad.com/cover/319298286-288-k424088.jpg)
BINABASA MO ANG
Risk
Teen FictionEverything is worth risking for, it just takes time. But not for Xianara Saoirse Vinzon who felt scared to risk since people around her caused a lot of pain. As the time passed by, she met Cassian Jaydaine Avellaneda who's willing to risk everythin...