Chapter 7

6 1 0
                                    



"Okay ka lang, darling?" tanong sa akin ni mama.



Hindi ko alam ang sasabihin ko kung okay lang ba ako sa narinig ko o hindi. Ba't naman siya nagpaalam kila daddy? Diba sa panliligaw lang 'yon? Teka ibig sabihin ba nito nanililigaw na si Cassian sa akin?



"Okay lang po ako mama." yun na lang nasagot ko. 



"Anak, magsabi ka lang kung hindi ka komportable sa kaniya. Agad namin aaksyunan." sabi ni  Daddy. 



"Hindi po, okay lang po ako." I awkwardly smile at them. 



"Then let's go home. Tapos na meeting namin dito sa company." sambit muli ni daddy sabay akbay sa akin. 



Sumakay na kami sa sasakyan namin. Ako sa likod, si Mama sa tabi ni Daddy na nasa driver seat. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa, may mga terminologies akong hindi ko pa gaanong naiiintindihan. Naguguluhan pa ako. Ayaw ko naman sabihin kila Daddy at Mama ang tunay kong gusto dahil baka ma dismaya sila sa akin. Ang gusto ko maging musikero. Gusto ko gumawa ng mga kanta. Pero ang tanong, may makikinig ba sa mga kanta ko? 



Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Kung susugal akong sabihin sa kanila. Pero kailangan ko munang paghandaan. 



Nang makarating kami sa bahay, dumeretsyo agad ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos noon bumaba ako agad ako dinala ko yung librong binabasa ko. Nakita ko si Ceryse nakaupo sa sofa, nakiupo na lang din ako. Bubuksan ko na sana yung librong binabasa ko biglang... 



"So, ikaw na paborito nila mama at daddy noh?" sungit na sambit ni Ceryse sa akin. 



"Pantay lang tayo Ceryse na mahal ni Daddy at mama. Wala ka dapat ikaselos." pagpapanatag ko sa kaniya. 



"No! Hindi ako maga-grounded ng dahil sa'yo!" pagalit na sinabi ni Ceryse.



Nagulat ako doon. Ang lakas ng pagkakasabi niya. Ganoon ba siya kagalit sa akin? Dahil sa nangyari napasugod si Daddy at Mama sa amin.  



"Anong kaguluhan to?" tanong ni Daddy sa aming dalawa.



"Daddy, si ate po nagpasimula." pagpapakaawa ni Ceryse kay Daddy. 



Napakunot na lang ako ng noo ko. "I was about to read my book then you started a conversation, not me. Excuse me." I exclaimed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon