"Kausapin mo naman ako o," pagmamakaawa niya.
Ilang oras makalipas pagkatapos niya akong ilabas at pakalmahin, mas pinili ko na lang na iwasan siya. Higit pa sa kinakatakutan ko, hindi ako komportable makihalubilo. Lalo na't lalaki siya. Paano kung may mangyari na naming masama sa akin?
"From now on, I, Cassian Jaydaine will not let anyone hurt you so bad para hindi ka natatakot ng ganiyan. I'm willing to risk my life just for you to feel safe and protected."
Paulit-ulit yung sinabi niya sa isip ko. It's my first time to hear that. I admit my face literally got heated. I don't know why.
How could he give me that kind of assurance, eh kakikilala pa lang namin? Ba't sa dinami-dami pang babae diyan, ba't ako pa kinausap noon? Ang daming tanong sa isip ko, pero isantabi ko na 'yon. Wala rin naman akong mapapala doon.
Umupo na lang ako sa aking silya. Gosh! Katabi ko pa pala yung lalaking 'yun?! Paano ko tuloy siya iiwasan niyan?! Bahala na, maituwid ko lang 'tong araw na 'to... sana.
"Xianara Saoirse Vinzon, may nasabi ba ako kanina na masama? Ba't ka naman nag-walk out ng ganoon?" pumunta siya sa harapan ko.
Lintek 'to. Paano niya nalaman buong pangalan ko?! I didn't even bother to introduce myself to him. Huwag na lang kaya ako kumibo. Hintayin ko na lang yung dalawa pang subjects bago mag dismissal. Bahala siya diyan, magtatatalak.
"Baka gusto mong dugtungan ko ng apelyedo ko yung pangalan mo, kapag hindi mo pa ako pinansin." Pangungumbinse niya sa akin.
Napapikit na lang ako. Ano ba talaga pakay nitong lalaking 'to sa akin? May magiging papel ba siya sa buhay ko? Ba't kailangan niyang sabihin 'yun? May gusto ba siya sa akin? Cringe.
"Ano ba? Tantanan mo na ako, please?" 'yun na lang sinabi ko.
"Hindi na ako malalayo sa'yo. Kasi pakiramdam ko wala kang kaibigan maski isa dito. Kaya ako na lumalapit sa'yo para kahit papaano hindi ka mag-isa." Sambit niya.
"Kaya ko mag-is-"
"No one is self-sufficient... Everyone relies on others, Sai." Pagtitigil niya sa gusto kong sabihin sa kaniya.
Hindi na talaga ako makakatakas sa lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Risk
Novela JuvenilEverything is worth risking for, it just takes time. But not for Xianara Saoirse Vinzon who felt scared to risk since people around her caused a lot of pain. As the time passed by, she met Cassian Jaydaine Avellaneda who's willing to risk everythin...