"Saoirse, nandidito na tayo." Paghahabilin sa akin ni daddy.
Hinatid niya ako rito sa University of the Cordilleras Integrated School. Entering as grade 10 student. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mag graduate dito. Nakakapagod na pumasok sa school na 'to. Paano? Madalas nila akong i-bully rito. Kadalasan pa nga pisikalan eh. Pero hindi ko magawang magsumbong, kasi never naman akong napapakinggan.
Isang taon na lang naman eh, makakalayas na ako rito sa paaralang 'to. Sana. Hindi ko man lang na-enjoy ang elementary to junior highschool life ko. Wala man lang akong magandang school experience kasi lahat puros pananakit ng kapwa ko estudyante. Hindi man lang ako naging masaya rito. Ang tanging pokus ko lang, ay ang pag-aaral ko. 'Yun na lang naiisip kong paraan para man lang mawala sa isip ko yung mga pangyayari.
"Sige po daddy." Sinuot ko na yung bag ko. At napabuntong hininga na lang bago ko umalis ng sasakyan.
Lumapit sa akin si Daddy at lumuhod para magkasingpantay kami.
"Xianara, do good in the school. Okay?" habilin niya.
"Opo daddy." Sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo tsaka siya pumasok ng sasakyan.
Agad na rin siyang umalis at ako naman dumeretsyo na sa papasukan kong school. Naglagay na lang ako ng hood para hindi ako ganoong makilala ng mga kapwa estudyanteng katulad ko. Natatakot ako baka mamaya may mangyari na naman sa akin.
Madalas akong i-bully as I said. I used to get punched, kicked, pulling my hair, padapain, ihulog sa hagdan and so much more. Pinagtritripan nila ako. Majority of them, mga kalalakihan. I don't know why they're so mean to me. Kadalasan akong may pasa at sugat dahil sa kanila, pero wala lang kila mommy at daddy. Kasi lagi naman silang busy.
Kung tutuusin, wala naman akong ginagawang masama sa school. Kaya out of nowhere na lang akong sinasaktan ng mga nakapaligid sa akin. Nakakarinig rin ako ng mga masasakit na salita galing sa kanila. Kesyo daw, 'hindi ka nararapat dito' , 'sipsip' 'paepal', 'papansin'.
Hindi ko na lang 'yun pinapansin. Alam ko naman sa sarili ko na makakarma din sila. Pakiramdam ko nga, kailangan nila ng pag-aaruga. Para sa ganoon, lagi silang natututukan sa mga maling gawain nila.
Nakapasok na ako sa classroom ko at umupo na lang ako sa sa likod. Kapag nasa harapan ako, panigurado baka sabihin na naman nila, 'pabibo'. Pakiramdam siguro nila nasasapawan ko sila. Ako kasi yung madalas nakaka perfect ng exam, o kaya madalas magrecite. Madalas din akong isalang sa mga school competitions, kaso nga lang hindi naman papansin 'yun nila mommy at daddy. Gusto ko lang naman tumaas yung grades ko, para kahit papaano makita nila mommy at daddy na nagpupursige ako mag-aral.

BINABASA MO ANG
Risk
Novela JuvenilEverything is worth risking for, it just takes time. But not for Xianara Saoirse Vinzon who felt scared to risk since people around her caused a lot of pain. As the time passed by, she met Cassian Jaydaine Avellaneda who's willing to risk everythin...