Chapter 30

3.2K 83 4
                                    

It's been 6 months since that incident happened. Naging laman ng balita sa buong bansa ang nangyari sa amin.

Malaking issue ang pagkamatay ni Kuya Harris at ang pagka-comatose ni Phoenix. Everyone wants to know what really happened, but we didn't give them any answers.

Ginamit namin ang koneksyon sa media para tanggalin lahat ng article tungkol sa nangyari. All we want that time is privacy and peace of mind.

Napabuntong hininga ako at nakatitig sa maamong mukha ni Phoenix.

"Love, wake up na. Akala ko ba gusto mong makita ang paglaki ng tiyan ko? magse-seven months na si baby oh. Ang laki laki na ng tiyan ko. Talo ko pa ang nakalunok ng watermelon." sabi ko sa kanya at napangiti ng mapait.

Araw-araw akong nasa ospital at naghihintay sa paggising niya. The doctors said he's getting better lalo pa noong nakaraang buwan ay gumalaw ang daliri niya.

Naghilom na rin ang mga tahi na galing sa mga balang tumama sa katawan niya. Maayos na ang progress ng health niya pero hindi pa rin siya nagigising.

"You've been sleeping for 6 months already, Phoenix. I miss you." humina na ang boses ko at napabuntong hininga na lang.

Napasulyap ako sa pinto nang marinig ang pagbukas non. Pumasok ang mga kaibigan ni Phoenix na nginitian agad ako nang mapadako ang tingin nila sa akin. Kasunod lang din nila si Xiara at Pia.

"Hoy buntis! Nandito ka na naman. Sabi ng masama na nae-expose ka sa ospital eh." walang prenong sabi ni Pia.

"Kahit kailan talaga iyang bibig mo, Pia. May karapatan naman siya na pumunta rito kasi nobya siya ni Phoenix." sabi ni Xiara kaya sinamaan siya ng tingin ni Pia.

"Sinabi ko bang hindi siya pwede pumunta rito?" masungit na sabi ni Pia.

"Are you pregnant, Pia?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Huh? Hindi no!"

Napangiti ako at isa-isa silang tinignan.

"Thank you for visiting Phoenix every week. Alam kong busy kayo sa work and life niyo, but you're still coming here."

"You don't have to thank us, Yell. Kaibigan namin si Phoenix. We will always be there for each other no matter what. Nauubos nga lang ang pasensya ko dahil hindi pa gumigising ang gunggong. Ang yabang niya pa na masamang damo siya pero nandyan siya. Susuntukin ko talaga 'yan pagkagising." sabi ni Simon kaya nakurot siya sa tagiliran ni Xiara.

"Napakasama talaga ng ugali mo! Hindi ko alam bakit ka ganyan."

"Ang ingay ninyo. Nakakahiya kayo." biglang sabi ni Tyler at umupo na sa sofa malapit sa bintana.

"Kumusta si Phoenix?" tanong ni Zel nang makalapit sa kabilang side ng kama ni Phoenix.

Nagsi-upuan na ang iba sa kanila at ang iba naman ay nanatili na lang na nakatayo.

"He's doing fine. Hinihintay na lang talaga ang paggising niya. I am still praying na sana magising na siya. I miss him so bad." malungkot akong napangiti at binalingan ang payapang mukha ni Phoenix.

"Gigising na 'yan. Takot lang niyan na ipagpalit mo siya. Isipin pa nga lang niya na may ibang manliligaw sa'yo, parang tigre na kung magalit. Kulang na lang pumatay ang isang iyan." biro ni Hendrix pero halata naman ang lungkot sa mukha niya.

He's the most affected one. I can see it. Siya ang pinaka-malapit kay Phoenix at alam ko kung gaano sila nagkakaintindihan. When we were still living in San Pueblo, I got to know more of his friends by just listening to his stories. Nalaman ko kung sino ang pinaka-close niya, kung anong ugali ng mga kaibigan niya at ang mga pinagdaanan niya kasama ang mga 'to.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon