Buong araw akong nag-kulong sa loob ng office ko at dinadalhan lang ako ng mga empleyado ko ng pagkain. Bukod kasi sa madami akong dapat tapusin ay iniiwasan ko din na makasalubong si Phoenix. Good thing, hindi din siya pumapasok sa office ko.
Nakarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto at dumungaw doon si Yana. Alanganin siyang ngumiti sa akn kaya pinapasok ko siya sa loob ng office ko. Napakamot ito ng ulo bago mag-salita.
"Ma'am iyong bago niyo po na bodyguard hindi pa po kumakain simula noong dumating po kayo. Nakaupo lang po siya sa may sulok. Hindi pa po kumakain simula kanina." alanganin niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"Nag-offer or nag-serve na ba kayo ng pagkain sa kanya like what you are used to?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
"Ayaw niya po kainin iyong pagkain na sinerve namin. Hindi naman po nagsa-salita kapag nagtatanong kami. Si Gera naman po puro pa-cute lang alam kaya mukhang naiirita na po iyong pogi ninyong bodyguard." wika ni Yana na nag-pataas naman ng kilay ko ngayon.
"Follow me." sabi ko kay Yana bago tumayo sa kinauupuan ko. Lumabas ako ng office ko at agad naman itinuro sa akin ni Yana kung saan nakaupo si Phoenix.
Napakunot ang noo ko at mabilis naglakad sa gawi niya nang mamataan ko ang pagkain na naka-serve. Shrimp Pasta.
Of course. He won't really eat it. Allergic siya sa shrimp.
Napatingin naman sa akin si Phoenix nang makalapit ako sa kanya. Nanatili lang blanko ang ekspresyon niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Yana, get this pasta. Hindi niya talaga kakainin 'yan because he is allergic to shrimp. Tell them to cook chicken and pork adobo." utos ko kay Yana ng hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Phoenix.
"Yes, Ms. Yell. Pasensya na po." rinig kong paumanhin niya bago nagmamadaling umalis sa pwesto namin.
"Why didn't you tell them about it? Ano? You're not going to eat? It's already 3pm, Phoenix! Naghahanap ka ba ng sakit?" iritang tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa akin.
I rolled my eyes at him. Tatalikod na sana ako para makabalik sa office ko nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Napatingin naman ako sa kanya na nakatayo na pala sa kinauupuan niya.
"What?" mataray kong tanong sa kanya pero umiling lang siya bago ako bitawan.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at bumalik sa loob ng office ko. Napabuntong hininga ako at itinutok ulit ang atensyon sa mga trabahong kailangan kong tapusin.
LUMIPAS ang oras at halos maga-alas otso na pala. Nag-inat ako at pagod na isinandal ang katawan sa swivel chair ko.
Napatitig ako sa kisame na para bang may interesanteng bagay akong makikita roon.
"I never knew everything will end up like this." mahinang usal ko bago pagod na napapikit.
I've been trying my best to ignore the fact na malapit lang si Phoenix sa akin but my marupok side is not cooperating with me.
Yung pakiramdam na gusto mo na lang isipin na hindi siya nage-exist pero kapag malapit siya, iba na 'yung epekto sa isip at puso ko?
Napailing na lang ako at tamad na niligpit ang mga gamit ko. Nang maipasok ko na lahat ng gamit ko sa bag ko ay naglakad na ako papalapit sa pinto.
Napatigil ako sa tapat nito at napabuntong hininga ng malalim. I have to act civil. I have to maintain my composure whenever he is around. Ayokong isipin niya na ayos lang ang lahat at babalik na lang siya bigla sa buhay ko.
Binuksan ko ang pinto at halos mapasinghap ako nang mag-tama ang mga mata naming dalawa ni Phoenix.
I looked at him with a poker face before nodding at him. Narinig ko pa siyang napahinga ng malalim bago sumunod sa akin.
Nag-paalam naman sa akin ang mga empleyado ko nang makita nila akong papalabas na kaya agad din akong nag-paalam at sinabing mag-ingat sila sa pag-uwi.
Nang makalabas na ako sa restaurant ay dumiretso agad ako sa parking lot. Huminto ako sa tapat ng kotse ni Phoenix.
Nang makalapit siya ay agad niya akong hinapit palapit sa kanya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Stay still. Someone is following you. I have to bring you home safe as soon as possible. Get in now." he said.
Nakaramdam ako ng pagkabahala at agad na sinunod ang gusto niya. Mabilis niya akong ipinasok sa kotse niya at umikot papunta sa driver's seat.
Nang makapasok siya ay may kinuha siya sa compartment niya at halos mahigit ko ang hininga ko nang makitang baril iyon.
"P-Phoenix..." takot na tawag ko sa kanya habang abala siya sa paglalagay ng baril sa loob ng suit niya.
"Don't worry. I'll take care of you and I'll make sure you're safe. You just have to believe in me, okay? Hindi kita pababayaan." malumanay niyang wika na nagpa-kalma ng kaunti sa akin.
Napahigpit ang hawak ko sa seat belt nang magsimula na niya patakbuhin ang kotse ng mabilis.
Narinig kong napapalatak siya habang tumitingin sa rear view mirror niya. Nang tignan ko iyon ay may nakasunod sa amin na itim na kotse.
"I-I'm scared." nauutal kong saad kaya agad niyang pinisil ang kamay ko bago patakbuhin ng mas matulin ang kotse niya.
"Trust me." wika niya.
Napakagat ako sa labi ko at nag-usal ng panalangin. I don't want us to get hurt. Hindi ko gugustuhin na may madamay pang iba nang dahil lang sa issues sa buhay ko.
"Hello, Fresco. Someone is following us. Track us as soon as possible in case na kailangan ko ng back-up... What the fuck?! That motherfucker is really getting into my nerves. Kayo na ang bahala sa mga tao sa bahay. You know what to do." narinig kong sabi ni Phoenix sa kausap nito sa ear-piece niya.
"What's happening?" tanong ko sa kanya nang mapansing kunot na ang noo niya at halata ang galit sa mukha.
"They barged in to your house. Wala naman nasaktan pero nag-kalat ang mga tinik ng bulaklak sa kwarto mo. They also found a letter. I have no other choice but to bring you in my place. You're safer with me." sabi niya sa seryosong tono kaya napalunok ako ng sunod-sunod.
Why would that person do that? Kailan niya ba ako tatantanan. I don't even have an idea kung sino siya at bakita niya ba ko ginugulo?
Napakagat ako sa labi ko at pinigilan na mapaiyak sa frustration. This past weeks feel like hell. I just wanna live peacefully pero bakit ba ang daming gumugulo sa buhay ko?
__________________________
H/N: Apologies for not updating these past few weeks. Naging busy lang and I had to take a break from writing stories. Bawi ako sa mga susunod na araw lalo na medyo sabaw yung update na 'to hehe. ❤️
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)
RomanceYell San Pueblo and Lay Phoenix Valleja's Story Napalagok akong muli sa kopitang hawak ko habang pilit na iwinawaksi sa isipan ang mga ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot. "You're drinking again." napatingin ako sa pumigil sa pagsalin ko ng alak. "...