Chapter 7

4.2K 106 4
                                    

Ramdam ko ang tensyon sa table namin nang dumating siya at nanatiling tahimik ang lahat na pawang nakikiramdam sa isa't isa.

I tried to calm myself before I got the courage to look at the person in front me. I was right. It's Phoenix. Nakatitig lang siya ng mariin sa akin at walang mababakas na kahit anong reaksyon sa mukha niya. Parang hindi man lang siya affected sa presence ko.

Napatiim bagang ako at ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. I didn't expect na makikita ko siya dito. Of all places and time, ngayon pa talaga?

"Excuse me po, I'll just go to the comfort room." I excused myself when I started to feel the immense pain inside me. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha iyong clutch ko.

Naging mabilis ang bawat hakbang ko papalayo sa kanila at lumiko sa may comfort room. Pagpasok doon ay pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga at pinakatitigan ang sarili ko sa salamin.

I can see pain. I can see that lady whom I wanted to bury from the past. Ayoko ng bumalik sa dati. I can't be that naive lady that they used to know. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salaming at nakita ko kung paano mag-simulang tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

"How could they do this to me? All this time, kilala nila Mommy at Daddy ang parents ni Phoenix. They fooled me. Ano pa ba ang hindi ko alam? Naguguluhan na ko!" mahinang usal ko sa at halos hindi ko na makita ang sarili ko sa salamin dahil sa panlalabo ng mga mata ko.

I can't even calm myself down. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng lahat ng tao sa paligid ko ngayon. I am starting to hold a grudge on them.

I don't know kung ilang minuto na ko sa loob ng cr but I made sure na walang bakas ng kahit anong luha sa mga mata ko. I sighed before opening the door.

Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib ko nang makita ko si Phoenix na prenteng nakasandal sa pader sa labas ng cr. Nag-angat siya ng tingin sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Akmang lalagpasan ko na siya nang hawakan niya ang braso ko. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko kaya mabilis kong ipiniksi ang hawak niya sa akin.

"Don't touch me. I don't even know you." iritang sabi ko sa kanya pero wala pa din siyang reaksyon.

Napasinghap ako nang mabilis niya akong nahatak at isinandal sa pader. I almost hitched my breath when he come closer to me.

Dahil mas matangkad siya sa akin kahit pa may suot akong heels, kaya kailangan niya pang yumuko ng kaunti sa akin. Kinunotan ko siya ng noo at pilit na itinutulak palayo gamit ang mga kamay ko pero masyado siyang nag-matigas at mas lalo pang idiniin ang sarili niya sa akin.

"What the fuck, Phoenix?! Lumayo ka nga sa akin! This is sexual harassment!" I hissed at him pero ngumisi lang siya sa akin at inilapit ang labi niya sa tenga ko.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang hininga niya banda roon. This is not right. I should get away from him to save myself.

"I missed you, Mi amor." he let out a short breath on my skin and I could feel it lingering in my system.

Napahawak ako ng mahigpit sa clutch ko at hindi ko man lang siya magawang itulak. Para akong nanghihina. Napakagat ako ng mariin sa labi ko at pilit na iwinaksi ang mga emosyon na lumulukob sa akin.

"Well, I don't miss you Mr. Marcelino. Kung mamarapatin mo lang, lumayo ka sa akin at babalik na ako sa table. It would be disrespectful if we will leave our parents alone." sabi ko sa kanya at ginamit ko lahat ng natitira kong lakas para makalayo sa kanya.

Mabilis akong lumakad pabalik sa table at nakita kong masaya na nag-uusap ang mga magulang namin. I should really go home right now. This is not good. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon