Chapter 13

3.7K 97 5
                                    

Medyo humupa na ang anxiety ko noong makapasok kami sa isang exclusive subdivision. Nawala na din iyong kotse na sumusunod sa amin noong magsi-dating ang halos nasa limang itim na van na mayroong gold na phoenix na naka-engrave sa pinto ng sasakyan. I know naman na mga tauhan niya ang mga iyon kaya nakahinga ako kahit papaano ng maluwag.

I sighed heavily. This is really a tiring day. I don't how can we solve this problem. Tuwi na lang din naman kasi mahuhuli iyong mga nakasunod sa akin ay wala rin naman kaming napapala.

There is this incident na pinatay na lang niya mismo ang sarili just to make himself stop from talking. That's when I knew na sobrang delikado kung sino man ang nagma-manman sa akin and it's freaking me out.

Huminto ang kotse ni Phoenix sa tapat ng isang puting bahay na mayroong mataas na pader at gate. Halos hindi ko na nga matanaw kung anong nasa loob at ang tanging bubong na lang ng bahay ang nakikita ko. Napailing na lang ako.

Bagay na bagay sa may-ari itong bahay na 'to. It matches his personality. Secretive. Preserve. Mysterious. Dangerous.

Napatingin ako sa kanya nang may biglang tumunog. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang maliit na parihabang button na kulay itim na nahahaluan ng ginto.

Halos mapanganga ako nang bumukas ang mataas niyang gate at bumungad sa akin ang napakalawak na front yard.

Napataas ang kilay ko nang wala akong matagpuan na statues or fountain sa paligid. Tanging mga bonsai lang ang nandoon kaya napatikom ang bibig ko.

I shouldn't be surprised. Dapat nga ay masanay ako na simpleng tao lang talaga ang isang 'to pagdating sa disenyo ng kahit ano.

Tahimik siyang bumaba ng kotse at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya pa ako.

Agad akong lumayo sa kanya at nauna na sa paglalakad hanggang makarating kami sa tapat ng front door na kulay gold din. Gold and black is really his favorite color, huh?

Naramdaman ko naman ang presensya niya sa likod ko. Lumapit siya roon sa passcode ng pinto at pinindot iyon.

Napalabi ako nang makitang birthday ko iyong passcode niya. What the freak?

Nang buksan niya ang pinto ay bumungad na naman sa akin ang kulay black and gold na mga kagamitan kaya nag-mukhang madilim lalo ang paligid. Tanging ang malaking chandelier lang sa sala ang nakabukas ang ilaw.

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa tapat ng hagdan.

"You will live with me here for the meantime until we're not yet sure about your safety." sabi niya at humarap sa akin. Napaatras tuloy ako ng isa dahil sa bigla niyang pagharap.

"What about my things? Hindi naman pwede iyon. How about sila Manang? I am not even sure if they are safe." sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo ko.

"I won't risk it. Pinasok ang bahay mo at hindi tayo nakakasigurado kung may mga ikinabit na tracker sa gamit o sa paligid ng bahay. I even have to check your things now so we can make sure that you are safe. Kaya pwede ko bang makuha ang mga gamit na dala mo ngayon? Even your accessories and clothes." walang emosyon niyang sabi kaya napanganga ako.

"What the hell?! Are you kidding me?! Wala nga akong damit or kahit anong gamit eh, tapos you want me to strip naked? Are you insane?!" gigil kong sabi sa kanya pero wala pa rin akong nakuhang reaksyon sa kanya.

"This is for your own safety. I will also have to check on your gadgets. Malakas ang pakiramdam ko na hacked na 'yan kaya madaling nalalaman ng kung sino kung nasaan ka." sabi niya at inilahad ang mga palad niya sa akin.

Fine. I will cooperate. This is my case and I have to do everything that I can just to end this shit.

Inabot ko sa kanya lahat ng dala ko, accessories ko, at pati na rin ang suot kong sapatos.

"I will give you my clothes later. Baka naman pwede mo akong pahiramin ng damit?" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Of course. Follow me." sabi niya bago ako talikuran at pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay.

Huminto siya sa pangalawa na pinaka-dulong kwarto. Binuksan niya iyon at pinapasok ako.

"This will be your temporary room for the meantime. Dito ka muna. Kukuha lang ako ng pamalit mo." sabi niya at iniwan ako sa loob.

Napatingin ako sa paligid at puro puting gamit lang ang nakikita ko. Mayroon lang king size na kama sa gitna at bedside table sa magkabilang gilid. Sa dulong bahagi naman ay may cabinet at sofa. Sa kabilang banda naman ang may hindi kahabaan na table at isang single couch.

Napatingin ako sa dingding at nakita roon ang dalawang hindi kalakihan na abstract painting.

Lumakad ako papalapit sa kama at umupo roon. I can't help myself but to feel sad about this house.

Sobrang tahimik na nga, mas lalo pang dumadagdag ang kulay ng mga furnitures niya. This is not a family house type. It's too dull and dark.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko to remove all my thoughts about his own house. Pakielam ko ba?

Ilang sandali lang ay bumukas muli ang pinto at sumulpot si Phoenix na may dalang damit at tsinelas.

Inilapag niya iyong puting tsinelas sa tapat ng paa ko at inilahad sa akin ang mga damit. Nang kuhain ko iyon ay napaawang ang bibig ko sa nakita.

This is all his clothes. I can even smell his scent from it.

Napanguso ako at tinignan siya. Nakatitig lang siya sa akin kaya ramdam ko ang malakas na kabog na naman ng dibdib ko.

"Wala ka bang ibang damit? I mean, yung pambabae?" tanong ko kanya habang pinapanatili kong normal lang ang reaksyon ko.

Wala naman kaso sa akin kung anong damit ang ipapasuot sa akin. It's just that...

"Wala. Ako lang naman ang nakatira rito." walang emosyon niyang sabi kaya napalabi ako.

So kaming dalawa lang ang nandito sa malaking bahay niya? This is ridiculous!

"Nasaan mga kasambahay mo?" tanong ko sa kanya at pilit na hindi nagpapa-apekto.

"I don't have one. May taga-linis lang na nagpupunta rito every week galing sa mansyon nila Mom." sabi niya at hindi ko maiwasang maapektuhan sa mga mata niya.

Napalunok ako at tumayo sa kinauupuan ko. Inilapag ko sa kama ang damit na pinahiram niya bago ko siya lapitan. Nakita ko ang kaunting gulat sa mga mata niya pero agad ko din siyang pinihit patalikod at pinalakad palabas ng kwarto.

"I-I need to change na. Shoo. I will call you na lang kapag I need something else. Goodnight." sabi ko hanggang maisara ko na ng tuluyan ang pinto. Napasandal ako roon at napabuntong hininga.

I can't stay with him na kami lang dalawa. It's not about him making gapang or do something bad to me.

It's all about me. I can't trust myself.

I'm in danger.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon