Adam's point of view..."Sira talaga yong Guitar na 'yon." Iiling iling na sabi ko 'tyaka ko tinignan ang mga basura sa harap bago tumingin kila Kai at sa mga kaibigan ni Deep. "Alam niyo ba kung saan pupunta ang dalawang iyon?"
"Ewan. Siguro sa motel." Si Art na nagkibit balikat pa.
Gagi talaga
"Hoy, loko ka." Natatawang ani Gero.
"Nagugutom na ako. Andami pa nating lilinisan, tsk," Nanlulumong napatingin si Kai sa paligid ng gym. "Kung hindi lang ako itatakwil nong Guitar na 'yon, di ako tutulong."
"Oo nga pala," Lumapit sa akin si Gero. "Sinong nakaisip nong sorpresa ni Guitar? Kayo ba?"
Napangisi ako. "Tsk! Ano pa nga ba? Edi tumulong kami!" Mayabang ko siyang tinitigan.
"Hoy, tumulong din ako, noh!" Ani Kai.
"Tsk. Kaya nga sabi kong 'kami', e," Angil ko. "Iyong kaibigan niyo naman kasi grabi kong magalit. Tsk, tsk, tsk." Ngumiwi ako.
"Abah, dapat lang," Si Art. "Kahit hindi sabihin ni Deep ay nasasaktan siya sa ginawa ni Guitar sakanya." Tugon niya at nakita ko siyang itinapon ang mga plastic bottle.
"Pero masasabi kong worth it ang lahat," Ani Gero napasulyap kaming lahat sakanya. "Diba?" Nagtaas siya ng kilay. "Swerte ni Guitar mahal siya ni Deep kaya napatawad siya agad."
Sumangayon kami sakanya. Masaya kami ni Kai para sakanilang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Guitar si Deep. Ang kwento niya sa amin ay noon pa mang highschool siya ay si Deep na talaga napapasuan niya. Hindi ko nga alam kung may naging girlfriend siya o may nagustuhan man siya. Basta ang alam ko, simula nong nakilala ko siya ay wala pa siyang naging girlfriends. Babaeng kaibigan siguro, pero girlfriend? Malabo.
"Maglilinis ang gagawin niyo hindi kwentuhan!" Napasulyap kami sa bukana ng gym nang mangibabaw ang boses ng presedente ng school namin. "Kanina pa kayo dito, bakit hindi pa kayo tapos?"
"S-Sorry po, sir..." Napapahiyang ani Gero at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Naku, naman." Iiling iling siyang sinulyapan kaming apat.
"Tsk, hindi naman namin 'to kalat, e." Bulong bulong ni Kai sa tabi ko.
Wala kaming nagawa kundi ipagpatuloy na ang ginagawang paglilinis. Halos dalawang oras din naming ginawa iyon. Pagkatapos maglinis ay sabay sabay kaming apat na nag nag meryenda sa canteen. Matapos naman naming kumain ay naghiwaly na kaming apat dahil may gagawin pa daw ang dalawa. Bago 'yon ay dumeretsyo muna kami ng cubicle ni Kai para magpalit ng damit namin dahil basang basa ito ng pawis.
"Last na talaga 'yon!" Angil ni Kai habang nagpapalit.
"Talaga last na!" Sangayon ko. "Halos manginig na ang mga kamay ko dahil dalawang oras tayong naglilinis." Dagdag ko pa.
Matapos naming magbihis ay sabay kaming naglakad sa hallway. Halos wala ng mga studyanteng naglalakad dahil kanina pa uwian.
"Hindi natin namalayan ang oras, ah? Buti nalang bukas pa ang canteen kanina."
"Saan kaya pumunta sila Guitar at Deep?" Tanong ko. "Kanina pa sila wala, e."
"Mahina 'to!" Sinulyapan ko si Kai na iiling iling. "Syempre nag hotel na 'yong dalawang 'yon!"
"Dumi ng isip mo," Sabi ko. "Baka nag date lang."
"Tsk, kapag nag hotel ba, ganun agad ginawa?" Aniya 'tyaka gumawa sa kamay ng nakakadiring senyas. "Diba pwedeng natulog lang." Singhal niya.
Nakangiwi akong nag iwas ng tingin ngunit agad akong napaatras matapos makita ang isang babaeng papasalubong sa dereksyon ko pero huli na ang lahat dahil nagkabanggaan na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/228984598-288-k206714.jpg)
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Teen FictionSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...