Deep and Guitar 16: Mine

19 2 0
                                    

Gero's point of view...

"Nakakabagot naman." Narinig kong bulong ni Art sa tabi ko habang nakikinig kami sa instructor namin kinahapunan. "Kailan kaya matatapos ito?" Nababagot niyang sabi 'tyaka pumangalumbabang tumingin sa harap.

Hindi ko nalang siya pinansin at akmang itutuon na ang atensyon ko sa instructor namin ng mapukaw ako ng malakas na buntong hininga ni Guitar. Napasulyap ako sakanya. Nasa harap nga ang paningin niya pero halata mo naman sakanyang malalim ang iniisip.

Hindi lang ako nag tanong sakanya kanina kung anong nangyari at bakit siya nag walk out kanina sa canteen ngunit meron na akong alam na dahilan. Alam ko ding sinundan siya ni Guitar at nag usap ang dalawa kaya siya ganito ngayon.

Panaka-naka akong sumusulyap kay Deep tuwing ililipat ng lalaking instructor namin ang tingin at haharap sa white board at magsusulat doon.

Pansin ko dito ang tamlay ng mga mata niya at naninibago ako doon, dahil ang kilala kong Deep ay masayahin at pawang walang pakialam sa mundo, malayo sa Deep na kasama namin ngayon.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari sakanilang dalawa ni Guitar at bakit siya nagkakaganito ngayon. Ang alam ko lang ay galit si Deep dito dahil sa ginawa niya ngunit haggang doon nalang ang alam ko. Hindi naman kasi ugali ni Deep ang magkwento at magsabi sa amin ng problema niya, at kung mag ku-kwento man siya ay magkukusa siyang sabihin iyon.

"Mr. Ybañez!"

Napukaw ang ginagawa kong pag iisip ng biglang tawagin ako ng instructor namin. Nabibigla tuloy akong humarap dito.

"Nandyan ba kay Mr. Cuevas ang mga itinuturo ko at sakanya ka tumitingin?" Sarkastikong tanong niya.

Napapahiya akong umiling. "No, sir..."

"Next time makinig kayo dahil kapag nag pa-quiz ako at bumagsak kayo ay bibigyan ko kayo singkong grades!" Galit niyang sabi at hindi na ako hinintay na umimik basta nalang siyang tumalikod at nagsulat ulit sa white board.

Nangibabaw ang munting bungisngis ni Art sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napa peace sign pa ang loko at tinakpan ang bibig para hindi tuluyang matawa.

"Gago..." Bulong ko dito at palihim na inambaan ng suntok.

Inabala ko nalang ang sarili sa pakikinig sa  harap. Maging ang dalawa pa naming sunod na klase ay nakinig talaga ako at inabala ang sarili sa pagsusulat ng mga importeng sinabi ng mga instructor namin dahil baka lumabas iyon sa midterm exam namin.

Lihim akong nagpasalamat ng lumabas na ang pinaka huling instructor sa hapon na ito. Inayos ko na ang mga gamit ko at sinukbit na ang bag sa balikat ko.

"Buti nalang natapos na ang klase natin. Muntik na akong matae dahil nangangawit na ang puwet ko." Nag inat inat si Art sa harapan ko.

Hinarap ko si Deep ngunit ganun parin siya, tahimik. Marahan niyang inayos ang gamit niya sa loob ng bag niya tyaka nga sinukbit iyon sa balikat niya at tumayo.

"Saan tayo ngayon, Deep?" Nakangiti kong tanong. "Mag Dakong Lilim tayo gusto niyo? Balita ko ay may bago daw silang recipe ngayon, i-try natin." Dagdag ko pa ngunit hindi siya sumagot.

Makahulugan akong tumitig kay Art at agad niya naman iyong nakuha. "Sakto nagugutom na ako. Deserve nating kumain ng marami dahil napagod tayo sa pakikinig sa mga instructor natin ngayong araw na ito!" Tumawa siya, tumawa din ako kahit sa loob loob ko ay napipilitan lang ako.

Sumulyap ulit ako kay Deep ngunit hindi nagbago ang reaksyon niya. Nakatayo lang siya sa gitna namin ngunit parang estatwa naman dahil hindi man lang siya nakitawa o ngumiti man lang.

Deep And Guitar (BL NOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon