Deep's point of view
"Dito nalang po, manong." Sabi ko sa driver namin na naghatid sa akin sa school. Tumango lang ako at kapagkuwan ay nagpaalam na din para makauwi na ito.
Sinulyapan ko pa ang kotse namin at nang mawala ito sa paningin ko ay pumihit na ako para pumasok. Damn! Pati ulo ko sumasakit sa sobrang dami ng nainom ko kagabi. Pati ang halik ng lalaking iyon ay naaalala ko hanggang ngayon parang nandito parin sa labi ko ang labi niya at nararamdaman ko parin hanggang ngayon pati laway niya!
Flashback...
"Ano pa bang ginagawa mo diyan, Deep? Halika na umuwi na tayo, lasing na lasing na itong si Art." Ani Gero na nadatnan ako sa labas ng cr na tulala habang akay akay neto si Art na tulog na.
Hanggang sa parking lot ay tulala ako maging sa loob ng kotse ni Gero ay tulala pa din ako habang hawak hawak ang labi ko.
"Ano bang meron sa labi mo at kanina kapa nakahawak? May first kiss kanaba? Ano sexy ba? Malaki ba yong ano? You know..." Tumawa siya sabay sulyap sa likuran kung saan natutulog si Art na nakanganga. "Ibang klase din 'to si Art hindi ba niya alam na may pasok bukas." Iling niya.
Humikab ito at pinaliko ang kotse niya para pumasok sa subdivision kung saan ang bahay ko.
"Ikaw muna ihahatid ko, Deep. Baka sa bahay nalang matulog ang isang 'to tutal naman ay hindi naman hahanapin ito sakanila.
Tumango ako. Ilang saglit lang ay bumaba na ako nang nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay namin.
"Sige, Deep. Kita kita nalang para mamaya sa school!" Ani Gero. Tumango nalang ulit ako at pumasok na sa gate.
"Good evening po sir. Ginabi na po kayo masyado-ay, Madaling araw na po pala!" Sabay tawa 'nong guard na nagbabantay sa gate.
Hindi ko nalang siya pinansin at dali dali akong pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Dumeretsyo ako sa cr at halos isuka ko lahat ng ininum ko nang maalala ko nanaman ang humalik sa akin.
"Animal!" Wika ko sabay kuha sa toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste at isalpak sa bunganga ko.
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Teen FictionSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...