DEEP Point of view"Hi, manang! Pwede po ba magtanong-"
"Sis!" Nilakihan kami ng mata Ng babaeng nasa labas kung saan nakapaskil ang for rent na apartment.
"Ah, sis. Pwede po ba kaming magtanong-" Naputol nanaman yong sasabihin ni Gero dahil inunahan nanaman siya nong babaeng mataray.
"4000 ang 1 month rent. Hindi libre ang ilaw at tubig. Bawal magdala ng babae Lalo na sa gabi. Curfew hours 11 pm. Bawal ang makalat at bawal din ang makati ang kamay. Down payment 1500. Oh, ano pa kailangan niyong tanungin?" Mabilis niyang litanya.
Sabay sabay kaming umiling.
"Naku, wala na po ate. Sige alis na kami..." Ani Gero at hinila na kaming dalawa ni Art.
Nakita ko pang umirap yong babae tyaka pinagpatuloy yong pagwawalis kanina bago kami dumating.
"Ano ba naman kasing trip mo, Gero at kailangan mo pang mag apartment." Tanong ni Art dito.
Oo nga. Bakit ba kasi kailangan mag apartment neto at kailangan pa kaming isama sa paghahanap ng matitirhan.
"Medyo malayo nga yong school natin sa bahay namin." Sagot niya.
"May kotse ka naman." Ani Art. Oo nga naman.
"Alam niyo nakakatamad mag drive kaya nga kapag nakahanap na ako ng apartment na malapit lang sa school, e, bibili na ako ng bike para yon nalang ang gamitin."
Huminto kami sa tapat ng school dahil dito namin inunang maghanap ng apartment. Pumasok kami sa loob at dumeretsyo kami sa engineering canteen dahil iyon lang ang bukas na canteen tuwing sabado at walang pasok.
Pagpasok palang namin ay yong Guitar nanaman na iyon ang bukambibig ng mga kumakaing studyante dito sa loob. And guess what puro pag papantasya nanaman ang pinag uusapan ng mga babae at bakla para sa Guitar na yon. Nakakausok nanaman ng ilong lalo na kapag naaalala ko nanaman yong last incounter namin sa loob ng music room.
"Sikat na sikat talaga yong Guitar na yon, ano. Lalo na sa mga babae." Ani Gero tyaka tumingin sa akin.
Nag iwas ako nang tingin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi sakanila yong nangyari sa loob ng bar kung saan hinalikan ako ng gagong yon.
"Nagugutom na ako. Kanina pa tayo umiikot para maghanap ng apartment. Hindi ba pwedeng manlibre ka naman, Gero para naman may pakinabang ang pagsama namin sayo." Ani Art habang himas himas ang tiyan.
"Tss. Oo na maghintay nalang kayo doon sa table at ako na ang o-order."
"Ayos yan!" Sabay tapik ni Art sa balikat ni Gero.
Umupo na kami ni Art sa mesang may tatlong upuan habang si Gero naman ay lumapit na sa counter para umorder ng pagkain.
"GUITAR!!!!"
Ehhh...
Wala pa yatang limang sigundo ay nagkagulo na ang mga babaeng nandito sa loob ng canteen dahil dumating si Guitar kasama yong dalawa niyang kaibigan na nakita ko sa canteen noon.
"Gassssh, Guitar. Ang gwapo gwapo mo!" Sigawan ng mga babae na hindi naman pinapansin ni Guitar.
Nakakunot lang yong noo ko habang nakatingin sa kanya na umupo ilang kilometro sa mesa namin. Nakaharap siya sa amin habang yong dalawa niyang kasama ay nakatalikod naman. Hindi niya pa ako nakikita dahil pinalibutan siya agad ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Fiksi RemajaSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...